PAHIYAS FESTIVAL

Malapit na ang Pahiyas Festival! Isinasabuhay ito ng mga taga-Lucban, Quezon tuwing ika-15 ng Mayo.

“Lubos na ipinagmamalaki natin ito,” sabi ni Nanay Sepa.

“Inaalala dito ang patron ng magsasaka na si San Isidro Labrador,” wika ni Mang Kanor.

“Balita na ito hanggang kabisera. Walang tigil ang mga kababayan natin sa paghahanda,” dagdag ni Nanay Sepa.

Buong bahay ay nilalagyan ng mga palamuti. Nagmumula ang mga palamuti sa mga ani sa bukid. Gamit din bilang dekorasyon ang makukulay at iba’t ibang hugis na kiping na mula sa bigas. Ang pinakamagandang bahay ay makatatanggap ng malaking gantimpala.

“Ihahanda ko rin ang ating kalabaw,” sabi ni Mang Kanor. “Pababasbasan natin ito para malayo sa sakit.”

“Sana maging masagana ang ating ani sa darating na panahon. Hihilingin natin ito sa Dakilang Lumikha,” wika ni Nanay Sepa.