ANG MATALINONG BULATE

Umaga na sa bukirin. Maagang lumabas si Bulate. Nais niyang masikatan ng araw. Sa di kalayuan, nakita siya ni Tandang. Lumapit si Tandang upang kainin si Bulate.

Nagulat si Bulate at nag-isip nang mabilis. Biglang nagsalita si Bulate .

“Kaibigan,” simula ni Bulate, “Bago mo ako kainin, mayroon sana akong hiling. Nais ko munang marinig ang maganda mong boses.”

Natuwa si Tandang sa sinabi ni Bulate. Alam ni Tandang na maganda ang boses niya. Tumilaok siya nang mahaba. Ang hindi niya alam, nagtago na si Bulate sa ilalim ng lupa.