SI PARUPARO AT ALITAPTAP

Malungkot si Alitaptap. Tatlong araw na siyang hindi kumakain. Masakit na ang kanyang tiyan. Kahit malakas ang ulan, hinanap niya ang kaibigang si Paruparo. Hihingi siya ng tulong dito.


Nabigla si Paruparo nang makita si Alitaptap. Basa at nanghihina ito. Dali-dali niya itong pinatuloy at pinakain. Niyakap niya ito pagkatapos. Mahal niya ang kaibigang si Alitaptap.


“Dalhin mo itong pagkain. Sa susunod, mag-imbak ka ng pagkain. Sumama man ang panahon, di ka magugutom," payo ni Paruparo.


“Tatandaan ko, kaibigan. Salamat muli,” nakangiting wika ni Alitaptap. Masaya itong lumipad pauwi.