LAYUNIN SA PAGKATUTO:
PAKIKINIG AT PAGSASALITA:
Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at mabigyan ng kahulugan ang mga pahayag.
Nagagamit ang magalang na pananalita sa iba't ibang sitwasyon tulad ng pagsabi sa tirahan.
Naisasalaysay na muli ang napakingang teksto gamit ang mga larawan.
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili at ibang tao sa paligid, mga hayop at lugar sa paligid.
Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili.
PAGBASA
Nabibigyan ng kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang teksto.
Natutukoy ang mga elemento ng kuwento( tagpuan, tauhan, at banghay)
Nagagamit ang diksyonaryo.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
PAKIKINIG AT PAGSASALITA:
Makikinig nang mabuti sa nagsasalita upang maulit at mabigyan ng kahulugan ang mga pahayag.
Magagamit ang magalang na pananalita sa iba't ibang sitwasyon tulad ng pagsabi sa tirahan.
Maisasalaysay na muli ang napakingang teksto gamit ang mga larawan.
Magagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili at ibang tao sa paligid, mga hayop at lugar sa paligid.
Makasusulat ng talata tungkol sa sarili.
PAGBASA
Mabibigyan ng kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.
Masasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang teksto.
Matutukoy ang mga elemento ng kuwento( tagpuan, tauhan, at banghay)
Magagamit ang diksyonaryo.
DISCUSSION / TALAKAYAN:
Gamitin ang magagalang na salita sa iba't-ibang sitwasyon:
a. Paghingi ng tulong sa kaklase.
b. Pakikipag-usap sa nakatatanda.
c. Pakikisuyo o pakikiusap.
CROSS - CURRICULAR LINKS:
VALUES / ENGLISH : Paggamit ng magagalang na Pananalita sa Pakikipag -usap
Using Courteous Words / Magic Words
PAG - UUGNAY SA TUNAY NA BUHAY:
Paano tayo dapat makipag -usap at paano mo ipapakilala ang iyong sarili gamit ang magagalang na pagsasalita?
PAGTATAYA
Pagsagot ng mga bata sa pagtataya pagtapos ng pagtatalakay.