LAYUNIN
Nakikilala ang mga pang-uring naglalarawan sa tao,hayop, lugar, bagay, o pangyayari.
Nakikilala ang mga pang-uri at mga salitang tinuturingan nito sa pangungusap.
Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay, at pangyayari sa sarili o sa ibang tao.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nakikilala ang mga pang-uring naglalarawan sa tao,hayop, lugar, bagay, o pangyayari.
Nakikilala ang mga pang-uri at mga salitang tinuturingan nito sa pangungusap.
Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay, at pangyayari sa sarili o sa ibang tao.
PAGTATALAKAY / DISCUSSION
Basahin at Unawain
Ang bawat responsableng mamamayan ay may magagawa para makatulong sa pagliligtas ng mga hayop na inaabuso. kapag may nakita kayong taong nang- aabuso ng mga hayop, maaari ninyong gawin ang sumusunod ayon sa PAWS o Philippine Animal Welfare Society.
*Mag- report agad sa opisyal ng inyong barangay o tumawag sa police hotline 117.
* Mahalagang ilagay ang kompletong detalye ng pangyayari sa isang affidavit tulad ng petsa, oras, lugar, at mga taong kasama sa pang- aabuso ng hayop.
* Ang affidavit o report ay dapat maikli, angkop, at tama. Makakabuti kung may larawan ka pang isasama sa inyong report.
Kung hindi mo pa kayang tumayong testigo ( dahil bata ka pa) ay maaaring ibang taong nakakita rin sa pang-aabuso ang tumestigo para madinig sa korte ang kaso at maparusahan ang malulupit na tao.
Mga Tanong:
Ano raw ang dapat gawin ng bawat responsableng mamamayan kapag nakakikita ng pang- aabuso sa mga hayop?
Bakit hindi dapat basta hayaan na lang ang anumang pang- aabuso sa mga hayop?
Ano-ano ang sinasabi ng PAWS na dapat gawin para maparusahan ang mga nang-aabuso ng hayop at matigil ang ginagawa nila?
WIKA / GRAMATIKA
htt https://images.app.goo.gl/hcXsyNf4q7t7jzWU7
PANG- URI
*Pang-uri - salitang naglalarawan o nagbibigay - turing sa mga pangngalan at panghalip.
Halimbawa:
Mabuting alaga si Butsi.
Ang dalawang magkaibigan ay laging nasa palaruan.
*Uri ng Pang-uri
Pang-uring Panlarawan - pang-uring naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. Maaari itong maglarawan sa mga katangian ng pangngalan o panghalip tulad ng itsura, kulay, ugali, hugis, sukat, amoy, o lasa.
Halimbawa:
*itsura -maganda, makulay
*kulay- maputi, maitim, mapula
*ugali- mabait,masungit,matapang
*sukat- malaki,maliit,mataas
*amoy-mabango,mabaho
*lasa-masarap,maalat
Pang-uring Pamilang - pang-uring nagsasabi ng dami o bilang ng isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa
Maraming ina ang nagsasakripisyo para sa kani-
kanilang pamilya.
Dalawang tauhan ang nangibabaw sa ating binasa.
*Pagsasanay:
Panuto: Kilalanin ang uri ng pang-uring nakasalungguhit sa bawat bilang. Isulat ang PN kung panlarawan at PM kung pamilang.
_________1. Maraming paraan para makatulong ang
anak sa kanyang magulang.
_________2. Maaari kang tumulong kahit sa maliliit na
bagay lang.
_________3. Tulungan mo si Nanay habang naghahanda
ng masarap na pagkain.
_________4. Kayong tatlong magkakapatid ay pwedeng
maglinis ng bahay.
_________5. Ipunin ninyo ang malalaking basurang
puwedeng maipagbili.
CO-CURRICULAR LINK
ENGLISH: Adjectives / kinds of Adjectives
REAL LIFE APPLICATION:
Ang mga bata ay susulat ng 10 pangungusap gamit ang dalawang uri ng Pang-uri.
PAGTATAYA
Ang mga bata ay mag gawain na sasagutin pagkatapos ng aralin.