LAYUNIN
Natutukoy kung ang salitang naglalarawan ay pang-uri o pang-abay.
Nakikilala ang salitang ginamit na pang-abay.
Nakikilala ang pang-abay at ang salitang tinuturingan.
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natutukoy kung ang salitang naglalarawan ay pang-uri o pang-abay.
Nakikilala ang salitang ginamit na pang-abay.
Nakikilala ang pang-abay at ang salitang tinuturingan.
Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
PAGTATALAKAY / DISCUSSION
A- BALIK-ARAL
Panuto: Kilalanin ang kaantasan ng pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay, at pangyayari. Isulat kung ito ay Lantay , Pahambing, o Pasukdol.
____________1. Masama sa katawan ang tsitsirya.
_____________2. Maraming asin kasi ang taglay nito.
_____________3.Uminom ka na lang ng sariwang katas ng
prutas
____________4. Mas mabuti ito sa katawan kaysa soft drinks.
____________5. Sa Caminguin may pinakamatatamis na
lansones.
Pang-abay
Pang-abay- bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Pang-abay na nagbibigay - turing sa pandiwa
Halimbawa:
Maingat na isinubo ni Isko ang tinapay.
Pang-abay pandiwa
Pang-abay na nagbibigay - turing sa pang-uri
Halimbawa:
Totoong masipag ang aking itay.
Pang-abay Pang-uri
Pang-abay na nagbibigay-turing sa kapwa pang-abay
Halimbawa
Pang-abay Pang - abay Pang- uri
Talagang masakit sa kaawa-awang bata ang
mahusgahan nang mali.
Samakatuwid, kapag nakakita tayo ng salitang naglalarawan ay hindi natin kaagad na masasabi kung ito'y pang-abay o pang-uri. Kailangang suriin muna ang salitang inilalarawan nito.
Tandaan:
Pang-uri ito kapag naglalarawan ng pangngalan o panghalip.
Pang-abay ito kapag naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Halimbawa:
mabuti bilang pang-uri
Ang tao ay mabuti kung hindi siya basta
nanghuhusga.
mabuti bilang pang-abay
Isiping mabuti ang epekto ng gagawin para di ka
makasakit.
Iba't ibang uri ng Pang-abay:
CO-CURRICULAR LINK
ENGLISH : Adverbs
REAL LIFE APPLICATION
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng 10 pangungusap gamit ang mga uri ng pang- abay.
PAGTATAYA / EVALUATION