LAYUNIN
Natutukoy ang mga kaantasan ng Pang-uri sa pangungusap.
Napaghahambing ang mga Pang-uri.
Nakikilala ang mga kaantasan ng Pang-uri.
Nagagamit nang wasto ang kaantasan ng Pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay, at pangyayari sa sarili at sa ibang tao.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natutukoy ang mga kaantasan ng Pang-uri sa pangungusap.
Napaghahambing ang mga Pang-uri.
Nakikilala ang mga kaantasan ng Pang-uri.
Nagagamit nang wasto ang kaantasan ng Pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay, at pangyayari sa sarili at sa ibang tao.
PAGTATALAKAY / DISCUSSION
A. KAANTASAN NG PANG-URI
Lantay - kaantasang naglalarawan sa iisang pangngalan o panghalip. Hindi inihahambing ang pangngalan o panghalip sa iba.
Halimbawa:
Ang mga gulay ay mabuti sa katawan.
Pahambing - kaantasang naghahambing sa katangian ng dalawang pangngalan o panghalip. Ang paghahambing ay maaaring maging magkatulad o di magkatulad.
Magkatulad - pareho o magkatulad ang katangian ng dalawang bagay na pinaghahambing.
Halimbawa:
Magkasimbuti ang prutas at gulay sa ating katawan.
Di magkatulad-magkaiba o di magkatulad ang katangian ng dalawang bagay na pinaghahambing.
Halimbawa:
Mas mabuti ang prutas kaysa matatamis na
meryenda.
Pasukdol - kaantasang nagsasabi ng katangiang pinakamatindi o nakahihigit sa lahat. Ginagamit ito sa paghahambing ng tatlo o higit pang pangngalan o panghalip. Maaaring magamit sa pasukdol ang mga salita o katagang pinaka-, hari ng, pagka-, napaka-, ubod, walang kasing-, lubha, sakdal.
Halimbawa:
Pinakamabuti ang tubig sa katawan kaysa sa alinmang
inuming may taglay na asukal.
B. PAGSASANAY
CO-CURRICULAR LINK
English: Degree of Adjectives
REAL LIFE APPLICATION
PAGTATAYA / EVALUATION
Ang mga mag-aaral ay may gawain na sasagutan pagkatapos ng pagtatalakay.