Noong 771 BCE, ang Han, kabisera ng Zhou, ay pinasok ng mga nomad mula sa hilagang-kanluran. Napatay ang hari ng Zhou, ngunit nakatakas ang ilang miyembro ng angkan nito at muling nagtatag ng kabisera sa Louyang na higit na malapit sa Huang River. Sa pagkakataong ito, ang angkan ng Zhou namuno lamang bilang tau-tauhan na hindi naglaon ay nagupo ng Dinastiyang Chin.
Ang Dinastiyang Chin ay pinamunuan ni Shih Huang-ti, isang 13 taong gulang na emperador na nagmula sa angkang Chin. Matapos ang ilang taong pamumuno, itinanghal niya ang kanyang sarili bilang kauna-unahang emperador ng Tein-hsia (All Under Heaven) at ginamit ang pangalang Shih Huang-ti. Pinatibay ng pahayag na ito ni Shih Huang-ti ang kaayusang sinocentric o ang China bilang pinakasentro ng kaayusan ng daigdig at nagtalaga sa kaisipang sinocentrism bilang opisyal na ideolohiya ng China.
SINOCENTRISM