Tinalo ng Dinastiyang Ming ang mga Mongol noong 1368. Ang Dinastiyang Ming ay isang dinastiyang lokal na pinamunuan ni Chu Yuan Chang. Itinalaga niya ang kanyang sarili bilang emperador ng China at ginamit ang pangalang Ming Tai Tsu at nanungkulan mula sa kabisera ng Nanking.
MANCHU AND BEIJING
FORBIDDEN CITY
Matatagpuan sa sentro ng lungsod na ito ang tinaguriang Forbidden City o Imperial City. Bawal ang sinumang pumasok sa lungsod na ito maliban sa angkan ng emperador at kanyang korte.
Matapos ang 200 taong pamumuno ng Dinastiyang Ming, ito ay unti-unting humina. Ang paghinang ito ay bunga ng katiwalian ng mga opisyal ng dinastiya at kawalan ng kaukulang pananalaping gugugulin sa higit na mahahalagang proyektong makapagpapasagana sa agrikultura ng bansa.
PANANAKOP NG MANCHU SA BEIJING
Gayundin, ang mabigat na buwis ay labis na nagpahirap sa mga Tsino. Ang mga bagay na ito ay nagpasimula ng isang pag-aalsa laban sa mga Ming at noong taong 1644, sinakop ng mga Manchu ang Beijing.
PAGBAGSAK NG DINASTIYANG MING
Sumunod ang isang buong pagsalakay. Ang China ay natalo noong 1644, kasama ang Emperor Shunzhi na nagtatag ng Qing Dynasty.