Ang Dinastiyang Chin ay pinamunuan ni Shih Huang-ti. Bunsod ng hangarin niyang mapag-isa ang bansa, sinimulan ni Shih Huang-ti ang pananalakay at pananakop sa mga estadong tumatanggi sa kanyang pamumuno. Sinalakay ng kanyang hukbo ang mga dayuhan sa hilaga at timog ng Huang River hanggang sa lupaing sakop sa kasalukuyan ng Vietnam. Higit na pinalaki ng kanyang tagumpay sa pananakop ang kalakhang sukat ng China.
CONFUCIUS
Taliwas sa kaisipan ni Confucius ang kaisipan ng pangkat ng mga legalista. Ang mga legalista ay naniniwala na isang makapangyarihang pamahalaan lamang ang makapagpapanumbalik ng katiwasayan sa China. Nagmula ang pangalan ng pangkat na ito sa kanilang paniniwalang ang kailangang gamitin ng pamahalaan ang batas upang wakasan ang mga kaguluhan at mapanumbalik ang kapayapaan sa estado.
Ayon pa sa mga legalista, kailangang pagkalooban ng gantimpala ng pamahalaan ang sinumang maayos na tumatalima sa kanyang tungkulin at patawan naman ng mabigat na kaparusahan ang sinumang hindi gumaganap ng kanyang tungkulin. Naniniwala rin silang kailangang mapigilan ang lumalaganap na ideya at kilusang maaaring magbuyo sa mga taong pulaan ang pamahalaan. Higit sa lahat, iminungkahi nila ang pagsunog sa lahat ng kasulatan at pahayag na maaaring magbigay ng ideya sa mga tao upang mag-alsa. Ang Dinastiyang Chin ang unang pamahalaang gumamit sa kaisipan ng legalista.