CIVILIZATIONS OF FERTILE CRESCENT: HITTITES, PHOENICIANS AND ISRAEL
Ang Palestine ang tahanan ng mga Hebrew. Ang lupain ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng Asia, Africa, at Mediterranean Sea. Ito ang nagsilbing daanan ng mga nandarayuhan patungong Fertile Crescent noong sinaunang kabihasnan. Sa simula pa lamang ng kanilang kasaysayan, ang mga Palestinian ay kilala na bilang pangkat ng mga nomad o gala.
Ang mga Hebrew ay pinamunuan ni Abraham, ang tradisyonal na tagapagtatag ng Palestine. Sa kanilang paggala, sila ay napadpad sa lupain ng Goshem sa Egypt. Sa lupaing ito, sila ay sapilitang inalipin hanggang sa mailigtas sila ni Moses noong 1275 BCE. Inilikas ni Moses ang mga Hebrew mula sa Egypt at sumalakay pabalik sa Palestine. Ang paglikas na ito ng mga Hebrew mula sa Egypt ay tinaguriang Exodus. Nang mamatay si Moses, ang mga Hebrew ay bumalik sa Palestine. Sila ay binubuo ng Labindalawang tribu na may kani-kanyang hukom na daglian namang napagsasama-sama sa panahon ng mahigpit na krisis. Sa mga Hebrew nagmula ang paniniwala sa iisang Diyos o monotheism. Sinasabing si Moses ang nagpasimula ng pananampalataya kay Yahweh, ang tawag ng mga sinaunang Hebrew sa kanilang Diyos. Pinaniniwalaang ibinigay ng Diyos kay Moses ang kanyang Sampung Utos sa Mount Sinai. Ito ay napapaloob sa Torah, ang isa sa limang aklat ng Mosaic Law, ang kodigo ng batas ng mga Hebrew. Napapaloob sa kodigong ito ang mga batas at alituntuning panrelihiyon at panlipunan ng mga Hebrew. Ang kodigo ng batas na ito ay ipinaliliwanag ng mga guro na tinatawag nilang propeta. Naniniwala ang mga propeta na sila ang pinili ng Diyos upang maging tagapamalita ng mga banal na utos sa sangkatauhan.
PAGTAWID NI MOSES SA DAGAT