Ang pamahalaan ay tumutukoy sa isang pangkat ng tao na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ang pagkakatuklas ng mga lungsod-estado ng sinaunang kabihasnan ay nagpahiwatig na may uri na ng pamahalaang namumuno sa mga tao simula pa noong sinaunang kabihasnan.