Ang Korea ay dating binansagang "Hermit Kingdom". Ayon sa kasaysayan, ito ay nasakop ng dayuhang bansa at nasupil pa ng ilang bansa sa magkakasunod na panahon. Bunga marahil ng kapaguran sa sunod-sunod na panunupil, napag-isipan ng mga Koreano na iwasan muna ang labis na pakikisalamuha sa ibang bansa upang mapagtuunan ng pansin ang higit na paglilinang at pagpapatibay ng kanilang kultura.
Ang kasaysayan ng Korea ay nagsimula noong 2333 BCE. Ayon sa alamat, si Hwanung na anak ni Hwanin, kinikilalang "God of All and the Ruler of Heaven" ng mga Koreano, ay ipinadala ng kanyang ama sa daigdig upang magkaloob ng lubos na kasiyahan sa mga tao. Hindi naglaon, siya ay na nagkaanak at pinangalan niya itong Tan-gun na nangangahulugang "Altar Prince”. Si Haring Tan-gun ang nagtatag ng kauna-unahang kaharian ng Korea na tinatawag na “Choson” na nangangahulugang “Lupain ng Mapayamang Umaga”. lto ay binubuo ng mga kaharian o dinastiya. Ang lupain ay hindi nagkaroon ng katatagan at kapayapaan hanggang sa ito ay bumagsak at nahati sa tatlong kaharian — ang Koguryo, ang Paekche, at ang Silla.
Ang Koguryo ang unang nalinang bilang isang kaharian sa kapatagan ng Yalu River. Dahil sa kakulangan ng lupaing sakahan sa rehiyong ito, kinailangan ng tribong Koguryo na palagiang mangaso ng makakain. Dahil dito, pinalakas ni Tong-myong, pinuno ng tribong Koguryo, ang hukbong militar ng pangkat upang mapaunlad ang kanilang kapangyarihan. Ginamit niya ang hukbong ito upang mapalawak ang lupain ng kaharian upang mapalawak ang lupain ng kaharian at magkaroon ng mga aliping magsasaka sa mga lupaing magkakaloob sa kanila ng pirmihang mapagkukunan ng pagkain.
Sinakop ng mga Koguryo ang kalapit na tribu nito at napagtagumpayang maitaboy ang mga Tsino na naninirahan sa Hangawa noong 313 BCE. Noong 37 BCE, sakop ng kahariang Koguryo ang hilagang bahagi ng Korean Peninsula hanggang sa Manchuria na sakop ng China sa kasalukuyan.
Ang pinakamahalagang ambag ng Koguryo sa kabihasnan ay ang mga sining na kanilang ipinamalas sa kanilang mga naiwang palasyo, templong Buddhist at mga libingang napapalamutian mga inskripsiyon at pintang mural. Ito ay bunsod ng kanilang paniniwala panibagong buhay sakabila ng kamatayan. Iniayos nila ang kanilang mga libingan na nagpapahiwatig ng maayos na buhay matapos ang kamatayan.
Ang Silla ang pinakamahina sa tatlong kaharian. Isinanib ng Silla ang kahariang Kaya sa kanilang kaharian at nagtatag ng pinag-isang kaharian sa ilalim din ng pangalang Silla sa timog-silangan ng peninsula. Ang Silla ay pumasok sa isang kasunduang militar sa dinastiyang Tang ng China upang talunin ang mga kaharian ng Koguryo at Paekche, ngunit ito'y umatras sa kasunduan nang mapansin ang balak ng China na sakupin ang mga kaharian.
Nang panahong humina ang Dinastiyang Tang ng China, pinamunuan kaagad ni Wang Kien ang isang rebolusyon sa Korea at sinakop ang mga kahariang Paekche at Silla. Noong 935 BCE, ang mga kaharian ay kanyang napag-isa at tinawag na Koryo.
Ang Dinastiyang Koryo ay nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan na ibinatay ni Wang Kien sa China. Ginamit din ni Wang Kien ang sistemang civil service sa pagtanggap ng mga opisyales ng pamahalaan, ngunit ito ay hindi nagtagumpay. Nang mga panahong ito, ang lipunang Koreano ay nahahati pa sa pagitan ng mga aristokratang nagmamay-ari ng lupain at mga karaniwang tao. Sa kabila ng pagkakaroon ng sistemang civil service, ang mga natatanging posisyon sa pamahalaan ay naibibigay lamang sa mga anak ng mayayaman at aristokrata na mamanahin din ng mga anak nila. Bunga ng kalakarang ito, ang mayayaman ay higit na yumaman, samantalang ang mahihirap naman ay lalong naghirap. Dahil sa pangyayaring ito, ang mga Koreano ay muting nag-alsa laban sa pamahalaan. Sa kabila ng pananatili sa kapangyarihan ng Dinastiyang Koryo, ito ay naharap sa higit na matinding suliranin.
Noong 1231, ang Korea ay sinakop ng mga Mongol at sapilitang pinagbayad ng mabigat na buwis. Ang marahas na pananakop ng mga Mongol sa bansa ay tumagal hanggang 1350. Matapos ito, muling nahati-hati ang Koryo sa mga kahariang pinamamahalaan ng mga aristokrata. Noong 1392, ang Koryo ay pinabagsak ng isang pangkat ng mga opisyal na pinamunuan ni Yi-Taijo. Ang mga nasabing opisyal ay mga iskolar na Confucian. Itinatag ni Yi-Taijo ang Dinastiyang Choson na higit na kilala bilang Dinastiyang Yi na inayon sa pangalan ng pamilyang Yi. Pinatatag ng dinastiyang ito ang Confucianism at ginamit ito bilang instrumento sa muling pagtatatag ng isang organisadong estado at lipunang may panibagong disiplina. Ang mga kawani ng pamahalaan ay pinili ayon sa sistemang civil service.
Si Sejong ang naging ikaapat na hari ng Choson. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, lumago at nakilala ang sining at kulturang Koreano. Sa panahon ding ito, nalikha ang Hangul o Hangeul, ang alpabetong Koreano. Ang Hangul ay kinilala bilang pinakasiyentipiko at pinakaepektibong sistema ng pagsusulat sa daigdig.
Ang pamamahala ni Sejong ang tinaguriang "Ginintuang Panahon" sa kasaysayan ng Korea. Lumabas ang maraming likha at maunlad na ideyang may kinalaman sa pamahalaan, ekonomiya, siyensiya, humanism, musika, at medisina. Ang Confucianism ang itinalaga bilang relihiyon ng bansa. Dahilan sa pagiging karatig na bansa ng Korea sa China at sa pagsisilbing tulay nito sa pagitan ng China at Japan, ang halos lahat ng aspekto ng kultura ng Korea ay Sinasabing may impluwensiya ng dalawang bansa.
Queen Sondok (Reigned 632—47 C.E.)
I am the ruler of Silla, one of the three kingdoms on the peninsula. I am the first woman to become a queen in Korea. My father, King Chinpyong, reigned for fifty years, but had no sons to inherit the throne. Since I am his eldest daughter, I became queen when he died. I also hold my position of authority because of a system that has existed for centuries. It is called the hereditary bone rank system, in other words, bloodline.
For over one thousand years only two other queens achieved my authority and influence. Your United States of America, the world's leading democracy, has only lately espoused women's rights. Think about it: almost fifteen hundred years ago in Korea a woman ruled her people well and held their confidence.
In spite of the fact that I have to worry about the defense and security of my kingdom and even a plot to usurp my throne, I dedicate myself to improving the life of my people.
Since I value the importance of education, I send students to China to receive the best education possible. Even though my reign is relatively short, there is much cultural and religious advancement.
Under my direction, the Buddhist temple of Punhwangsa, the nine-tiered pagoda of Hwangnyongsa and one of the oldest astronomical observatories in the world, Ch'omsongdae, are completed. I also order the construction of the famous nine-tiered pagoda of Hwangnyongsa to protect us from foreign invasions. If you travel to Korea, come to Kyongju, the ancient capital of the Silla, and you can see the mounds covering the tombs where our leaders are buried. You will be impressed by the splendid gold crowns, necklaces, pendants and earrings that have been discovered in our burial mounds. These are just a few of the jewels of my queendom. They exemplify a golden age in Korean history.
Pinagkunan: Portrait of Famous Koreans
The Korea Insights website: http://korea.insights.co.kr/engliså/