Ayon sa mga arkeologo at siyentistang nag-aaral ng sinaunang kasaysayan, ang sinaunang panahon ng kabihasnan ng tao ay tinatawag na Panahon ng Bato. Ito ay nahahati sa dalawang panahon: ang Panahong Paleolithic na tinatawag na Panahon ng Lumang Bato at ang Panahong Neolithic o Panahon ng Bagong Bato.
Ang Panahong Mesolithic naman ang tinatayang panahon ng pagbabago sa pagitan ng Panahong Paleolithic at Panahong Neolithic. Ang mga archeological dig ang pinagmumulan ng mayamang batayan ng sinaunang kabihasnan. Dito nagmumula ang mga artifact na binubuo ng mga gamit, alahas, at iba pang gamit na gawang tao. Ang mga bagay na ito ay nagbibigay ng pahiwatig kung paano namuhay o nanalig ang mga sinaunang tao. Ang mga fossil o buto namang natatagpuan dito ang siyang naghahayag ng taas at itsura ng mga ito.
Ang mga anthropologist naman ang siyentistang nag-aaral ng kultura at gawi ay nagmula sa mga salitang Griyego na "palaios" na nangangahulugang "lumao" at "litho" o "bato." Sa kabila ng kakaunting pagkakahawig ng mga Taong Paleolitiko Sa modernong tao, sinasabing ang mga ito ay nakalalakad na nang tuwid at may pisikal na katangian na ng isang modernong tao. Ang mga ito ay pinaniniwalaang nomadic at nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pagtitipon ng mga pagkain na pinipitas mula sa mga halaman sa kanilang kapaligiran at naninirahan sa mga yungib. Bukod sa mga ito, malinaw na ang mga tao noong Panahon ng Paleolithic ay nagtataglay ng tatlong mahahalagang bagay na ipinagkaiba nila sa karaniwang mga hayop na kasabay nilang nabuhay noong panahong iyon.
Una, ginagamit na ng mga taong ito ang kanilang mga kamay bilang panghawak ng mga kagamitan at sandata upang makapangaso at maipagtanggol ang kanilang sarili. Ito ay kanilang nagagawa dahil sa tuwid nilang tindig ng mga tao.
Ikalawa, nakapagsasalita na sila at nakatatanggap ng anumang impormasyon.
Ikatlo, sila ay may higit na malaking utak kaysa anumang hayop sa daigdig.