Ang sinaunang mga pagpapahalaga ng mga Tsino na pagpapanatili ng mapayapang lipunan, pagkakasundo, at paggalang sa may kapangyarihan ay naisantabi noong mga huling panahon ng Dinastiyang Zhou or Chou. Upang mapanumbalik ang mga pagpapahalagang ito, bumuo ang mga pilosopong Tsino ng mga ideyang makatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lupain. Si Confucius ang pinakamaimpluwensiya sa Iahat ng mga pilosopong ito. Ang dakilang pilosopo at guro sa kasaysayan ng China.
LIMANG PANGUNAHING MAAYOS NA RELASYON
Naniniwala siya na maibabalik lamang ang maayos na pamahalaan sa China kung ito ay maitatatag ng batay sa limang pangunahing maayos na relasyon: relasyon sa pagitan ng namumuno at nasasakupan, relasyon sa pagitan ng ama at anak, relasyon sa pagitan ng mag-asawa, relasyon sa pagitan ng nakatatandang kapatid na lalaki at nakababatang kapatid na lalaki, at relasyon sa pagitan ng magkaibigan.
FILIAL PIETY
Kapansin-pansin ang pagbibigay-halaga ni Confucius sa relasyong nababatay sa pamilya. Ayon sa kanya, mahalagang makagawian ng mga anak ang pagsunod sa filial piety o ang paggalang at pagmamahal sa mga magulang at nakatatanda.