IPINAGPATULOY NIYA ANG PAGPAPAGAWA NG MGA LANSANGAN, KANAL
Upang mapuksa ang kanyang mga katunggali sa kapangyarihan, dagliang itinatag ni Liu Pang ang isang sentralisadong pamahalaang tulad ng kay Shih Huang-ti, Hinati-hati niya ang kanyang imperyo sa mga lalawigang tinawag niyang commanderies na pinamahalaan ng mga piling opisyal. Ngunit hindi tulad ni Shih Huang-ti, iniwasan niya ang legalistang pamamaraan upang makuha ang simpatiya ng kanyang nasasakupan. Binabaan din niya ang buwis at pinagaan ang mahigpit na kaparusahan sa sinumang nagkasala. Ipinagpatuloy niya ang pagpapagawa ng mga lansangan, kanal, dike, at The Great Wall. At hindi tulad kay Shih Huang-ti, ang bawat nasasakupan niya ay tinakdaan lamang niya ng isang buwang sapilitang paggawa at pagsisilbi sa hukbo, bukod sa pagbabayad ng buwis bilang tungkulin sa pamahalaan. Bunga nito, naging mapayapa ang buhay ng mga Tsino sa ilalim ng pamahalaang Han.