Nang bumagsak ang Dinastiyang Han noong 220 BCE, ang hilagang-kanlurang bahagi nito ay muling sinakop ng mga pangkat ng nomad; ang ibang bahagi naman ay muling nagkawatak-watak. Sa loob ng 350 taon, ang imperyo ay nagmistulang magkakahiwalay na distrito at napag-isa lamang ni Sui Wendi o Yang Chien noong 589 BCE. Sa kabila ng magising panahon ng kapangyarihan ng Dinastiyang Sui, mahalagang banggitin na ang dinastiyang ito and naglatag ng pundasyon sa pagtatamo ng “Ginintuang Panahon” ng China.
Sa kabila ng magising panahon ng kapangyarihan ng Dinastiyang Sui, mahalagang banggitin na ang dinastiyang ito and naglatag ng pundasyon sa pagtatamo ng “Ginintuang Panahon” ng China.
Sa kanyang panunungkulan, itinatag ni Yang Chien ang kabisera ng imperyo sa Chang-an. Muli niyang ipinaayos ang Great Wall upang magsilbing pananggalang laban sa mga barbaro. Pinasimulan din niya ang pag-aayos ng organisasyon ng pamahalaan at ito ay ginamit ng susunod na dinastiya, ang Dinastiyang Tang. Bilang bahagi ng pag-aayos na ito, makatulong sa paglutas ng mga suliranin sa pananalig at pagbuhay muli ng mga ritwal ni Confucius. Ito ay kanyang isinagawa upang hikayating magbalik-loob ang mga may pinag-aralan sa kanyang pamahalaan.
Nang mamatay si Yangchien, siya ay pinalitan ng kanyang anak na si Yang Ti. Ang Pagpapagawa ni Yang Ti ng Grand Canal ang pinakamahalagang bagay na ipinamana ng mga Sui sa China. Pinagdugtong ng kanal na ito ang mga ilog ng Huang, Yangtze at iba pang daanang tubig sa imperyo. Ito ay nagsilbing mahalagang daanang pangkalakalan sa pagitan ng hilaga at timog ng China. Ipinagpatuloy rin ni Yang Ti ang pagpapagawa ng Great Wall at iba pang estrukturang kinailangang buuin ng daang libong Tsino.
KAMPANYANG MILITAR LABAN SA KAHARIAN NG KOGURYO SA KOREA NA HINADI NAGTAGUMPAY
Bukod pa rito, naglunsad siya magastos na kampanyang militar laban sa kaharian ng Koguryo sa Korea na hindi naman nagtagumpay. Upang maisakatuparan ang lahat ng kanyang proyekto at kampanyang military, si Yang Ti ay nagpataw ng mabigat na buwis na na dulot ng labis na hirap at pasakit sa mga Tsino. Dahil dito nagsimulang mag-alsa ang kanyang nasasakupan laban sa dinastiya hanggang sa ito ay bumagsak noong 617 BCE.