CIVILIZATIONS OF FERTILE CRESCENT: HITTITES, PHOENICIANS AND ISRAEL
Nang mamatay si Hammurabi, ang Babylonia ay nilusob ng pangkat ng mga Hittite noong 1530 BCE. Ang mga Hittite ang unang pangkat na gumamit ng sandatang bakal sa pakikidigma. Sila ay nakarating hanggang sa Syria at kanlurang bahagi ng Fertile Crescent. Tinatayang ang tagumpay ng kanilang pananakop ay bunga ng kanilang sandatang bakal, pagkabihasa sa pangangabayo, at paggamit ng karuwahe.
Bukod sa mga sandata, ang mga Hittite ay nakapaglinang din ng sarili nilang batas. Sinasabing higit na makatao kaysa iba pang batas noong sinaunang kabihasnan ang batas ng mga Hittite. Alinsunod sa kanilang batas, ang sukdulang kaparusahan ay kailangang ilaan lamang sa pinakamabigat na pagkakasala. Binibigyang-diin din nito ang pagbibigay ng bayad-pinsala sa ilang pagkakataon kapalit ng kaparusahan.
Isinasaalang-alang din ng kanilang batas ang pag-uusig sa binalak na krimen.