Ang mga Mongol ay pangkat ng mga nomad na namamalagi sa hilaga ng China. Sila ay pinamunuan ni Temujin na tanyag bilang Genghis Khan, isa sa pinakamagaling na mananakop ng daigdig. Si Genghis Khan ang nagtatag ng Imperyong Mongol.
Ang apo ni Genghis Khan na si Kublai Khan ang pumalit sa kanya bilang The Great Khan. Siya ang namuno sa sarili niyang khanate na sumasakop sa Mongolia, Korea, Tibet, at Hilagang China. Sa kanyang pagsisimula, itinalaga ni Kublai Khan ang katuparan sa hangarin ni Genghis Khan na masakop ang kabuuang China.
Nakuha lamang sakupin ni Kublai Khan ang kabuuang China noong taong 1279 at itinatag ang Dinastiyang Yuan. Ang panahon ng Dinastiyang Yuan ay naging mahalaga kasaysayan ng China. Muling napag-isa ni Kublai Khan ang China sa loob ng 300 taon Bunga ng malawak na sakop ng Imperyong Mongol, ang China ay nabuksan sa higit na malawak na pakikipagkalakalan. Ito ay nagbigay ng higit na pagkakataon sa rnga Tsino na makipag-ugnayan sa mga dayuhan Sa buong panahon ng kanyang pagiging emperador ng China, si Kublai Khan ay nanirahan sa kanyang ipinagawang palasyo sa Shangdu sa pagitan ng China at Mongolia. Nagpatayo rin siya ng bagong kabisera sa Beijing, na labis na hinangaan ni Marco Polo.
Si Marco Polo ang pinakatanyag na Europeong bumisita sa China. Siya ay kinuha ni Kublai Khan bilang katiwalang kawani sa kanyang korte at emisaryo ng emperador sa mga lungsod ng imperyo. Siya ay naglingkod sa korte ni Kublai Khan sa loob ng 17 taon at lumisan lamang sa China noong 1292, dalawang taon bago mamatay si Kublai Khan.
Sa kanyang paglalakbay pabalik sa Venice, si Marco Polo ay nabihag ng mga pirata at ibinilanggo. Sa pagkakabilanggo, ang kanyang paglalakbay ay kanyang iniulat sa kanyang kapwa bihag na si Rusticiano, na siyang nagsulat at naglabas ng aklat ng mga kuwento ni Marco Polo.
Matapos masakop ang kabuuang China, sinubukan din ni Kublai Khan na sakupin ang Japan. Dalawang ulit na nagpadala ng plota Kublai Khan sa Japan. Sa pangalawang pagkakataon, ang plotang ipinadala niya ay binuo ng 150,000 mandirigmang Mongol, Tsino, at Koreano. Ito ang kinilala bilang pinakamalaking puwersang panlusob sa kasaysayan bago naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
DIVINE WIND KAMIKAZE
Matapos masakop ang kabuuang China, sinubukan din ni Kublai Khan na sakupin ang Japan. Dalawang ulit na nagpadala ng plota Kublai Khan sa Japan. Sa pangalawang pagkakataon, ang plotang ipinadala niya ay binuo ng 150,000 mandirigmang Mongol, Tsino, at Koreano. Ito ang kinilala bilang pinakamalaking puwersang panlusob sa kasaysayan bago naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa panahon ng kanyang panunungkulan, si Kublai Khan ay hindi nagtiwala nang lubos sa mga Tsino. Ipinagkaloob niya sa mga Mongol at mga dayuhang tulad ni Marco Polo ang matataas na katungkulan sa kanyang korte. Siya ay naniwala na higit na mapagkakatiwalaan ang mga dayuhan kaysa mga Tsino sa dahilang wala silang kabila nito, si Kublai Khan ay naging isang magaling na emperador.
Ipinaayos niyang muli ang nagdurugtong sa Grand Canal patungong Beijing sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga lansangang may habang 1,100 milya, mula sa Hongzhou hanggang Beijing. Ito ay kanyang isinakatuparan upang matiyak ang suplay ng ani o anumang produktong pangangailangan sa hilagang bahagi ng imperyo. Mula sa masaganang katimugan ding ito naganap ang Pax Sinica, ang panahon ng katahimikan at kapayapaan sa Silk Road. Ang bagay na ito ay nakahikayat ng mga dayuhang mangangalakal, pati na ng mga misyonero na maglakbay at makipagkalakalan sa mga Tsino.
Noong mga huling panahon ng kanyang panunungkulan, nagpadala ng puwersa si Kublai sa Timog-silangang Asya. Sa panahon ng mga kampanyang ito, naubos ang kaban ng imperyo at napakaraming kawal ang namatay kaya matinding pagkapahiya ang dinanas ng imperyo. Ang bagay na ito ay labis na ikinagalit ng mga Tsino.
Si Kublai Khan ay namatay noong 1294. Ang mga pumalit sa kanya ay naging mahina at mapaniil. Ang Dinastiyang Yuan ay pinabagsak ng isang pag-aalsa noong 1368 at pinalitan ng Dinastiyang Ming.