Si Li Yuan ang nagtatag ng Dinastiyang Tang. Sa loob ng 300 taon, muli niyang pinag-isa ang imperyo gamit ang Chang-an bilang kabisera. Napagtagumpayan niyang sakupin ang Korea at nabawi ang hilagang bahagi ng imperyong nasakop ng mga nomad.
Ang panunungkulan ay ginabayan sentralisadong ideya ni Confucius. Isang sentralisadong pamahalaan din ang itinatag ni Tang Tai-tsung. Binuhay niyang muli arig sistemang burukrasya at sistemang civil service pagtanggap ng mga opisyal ng pamahalaan.
Mapayapang namuhay ang mga Tsino sa ilalim ng Dinastiyang Tang dahil sa matatag at mataas na uri ng pamamahalang ipinalaganap ni Tang Tai-tsung. Si Tang Tai-tsung ay naging mapagpahintulot din sa anumang relihiyon ng kanyang nasasakupan. Sa panahon ni Tang Tai-tsung lumaganap ang Buddhism sa China.
Ipinagpatuloy rin niya ang mga nasimulang estruktura ng mga Sui. Pinagaan niya ang pagpapataw ng buwis at kinumpiska ang ibang lupain ng mayayaman upang ipamahagi sa mahihirap. Ipinag-utos din niya ang maayos na pangangasiwa sa agrikultura at kalakalan. Dahil dito, ang imperyo ay yumabong at itinanghal ang panahon ng pangangasiwa ni Tang Tai-tsung bilang "Ginintuang Panahon ng China.
Nang mamatay si Tai-tsung, ang imperyo ay pinamahalaan ng mga tiwali at sakim na emperador. Noong taong 700 BCE, nagtakda ng mabigat na buwis ang emperador upang matustusan ang malaking salaping gugugulin sa pagpapalawak ng imperyo. Ang pangyayaring ito ay muling nagpahirap sa mga Tsino. Nahirapan ang mga Tang na pangasiwaan ang napakala teritoryong kanilang nasasakupan at hindi nito napigilan ang pagpasok ng mga pangkat ng Arab na sumakop sa kanlurang bahagi ng imperyo. Ang mga tiwaling emperador ay pinabagsak ng mga rebeldeng eunuch. Ang eunuch ay mga katulong na naninilbihan sa kaharian ng emperador.
LIMANG DINASTIYA AT SAMPUNG KAHARIAN
Ang Dinastiyang Tang ay tuluyan nang bumagsak sa ilalim ng mga eunuch. Ang panahon sa pagitan ng Dinastiyang Tang at Dinastiyang Sung ay tinawag na panahon ng limang dinastiya at sampung kaharian. Sa panahong ito, ang pusod ng China ay pinamunuan ng limang magkakasunod na dinastiya, samantalang ang timog at kanluran ng lupain ay inokupahan ng sampung matatatag na kaharian.