EBOLUSYONG KULTURAL: ANG PANAHON NG BATO PALEOLITIKO, MESOLITIKO AT NEOLITIKO
Ang kasanayan ng tao sa paggamit ng mga kagamitang kanilang nilikha upang matugunan ang kanilang pangangailangan ay tinatawag na teknolohiya. Ang mga artifact na nahukay ay mga halimbawa ng teknolohiyang nagawa ng tao noong Panahong Prehistoric. Nakatulong nang malaki sa paglalarawan ng kultura ng Panahong Prehistoric ang mga artifact na natuklasan ng mga arkeologo, kasama na ang mga buto ng mga sinaunang tao.
Ang mga tao sa Panahong Paleolithic ay gumamit ng mga kagamitang gawa sa matatalim na bato at graba na agad namang itinatapon matapos na gamitin. Ang panahong ito ay naganap may dalawang milyong taon na ang nakararaan. Ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito ay ang paggamit ng apoy. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, kinailangan nilang ang sinaunang Taong Paleolitiko maiangkop ang kanilang sarili sa mga lupaing may malalamig na klima. Isa ito sa mga salik na nagtulak sa kanila upang matuklasan ang paggamit ng apoy. Dito rin nila natuklasan ang kainaman ng paggamit ng apoy sa pagluluto ng kanilang pagkain.
Marahil sa pag-unlad ng kanilang kalinangan, napag-alaman ng sinaunang tao ang kawalan ng katiyakan ng mahabang panahon ng pamumuhay. Dahil sa kawalan ng tiyak na pananahanan, natuklasan nila ang pag-iimbak ng pagkain mula sa kanilang pangangaso. Bukod dito, ang patuloy pagdami ng tao ay na maaaring nagdulot ng kasalatan. Ang kalagayang ito ang nagbigay-daan sa pagsisimula ng Panahong Mesolithic.
Ang Mesolithic o Middle Stone Age ay ang panahong nalinang sa pagitan ng Panahong Paleolithic at Panahong Neolithic. Ang ilang kagamitang tuklas ng panahong ito ay ang mga blade, point, lunate, trapeze, craper, at arrowhead. Karaniwan na rin ang mga kagamitang may kombinasyon ng kahoy o buto o di kaya'y balat ng hayop, pagpapalayok, at paggawa ng buslo. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na kulturang materyal ang Panahong Mesolithic. Pangangaso at pag-iimbak ng mga pagkain tulad ng gulay, prutas, at iba pa ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa panahong ito. Kapansin-pansin din sa mga tuklas na napasimulan na rin sa panahong ito ang pagpapaamo sa mga hayop tulad mga natuklasang pinta ng mga sayaw at ilang instrumentong musikal, tulad ng pinta ng mga ritwal ng pagbuburol at paglilibing ng patay ng isang pamilya o kamag-anak na kasapi ng isang pamayanan. Ang bagay na ito ay nagbigay ng paliwanag sa mga arkeologo na ang pagbubuo ng aso at ligaw na lobo. Karaniwan na rin sa kanilang hapag-kainan ang isda at mga laman ng kabibe.
Natuklasan ding ang mga tao noong Panahong Mesolithic ay may mga nakagawian ng ritwal mula sa mga natuklasang pinta ng mga sayaw at ilang instrumentong musikal, tulad ng pinta ng mga ritwal ng pagbuburol at paglilibing ng patay ng isang pamilya o kamag-anak na kasapi ng isang pamayanan. Ang bagay na ito ay nagbigay ng paliwanag sa mga arkeologo na ang pagbubuo ng pamilya ang pinakamahalagang kontribusyon ng Panahong Mesolithic sa makabagong panahon. Tinatayang ang panahon ding ito ang naging hudyat ng transpormasyon ng tao mula sa pagiging taong barbaro patungo sa isang taong sibilisado.
Ang Panahong Neolithic ay naganap may 10,000 taon na ang nakararaan. Ang karamihan sa mga tuklas noong panahong ito ay naging batayan ng makabagong panahon. Sa panahong ito, natutuhan na ng mga tao na pakinisin, patalasin, at patulisin ang kanilang mga kagamitan upang higit na maging kapakipakinabang sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang agrikultura ang pinakamahalagang tuklas ng tao sa panahong ito. Dahil sa walang katiyakan ang panustos ng pagkain sa pamamagitan ng pangangaso, natutuhan ng taong magsaka at maghayupan. Ito ang naging simula ng kanilang pirmihang paninirahan. Sa panahon ng kanilang pirmihang paninirahan, napaunlad ng mga tao ang pagiging malikhain.
Sa matagal nilang pananatili sa isang lugar, nagkaroon sila ng panahong lumikha ng iba pang kagamitan. Natutuhan nila ang paghahabi ng tela at paggawa ng mga kagamitan mula sa luwad at iba pang bagay na kapakipakinabang sa kanilang pamumuhay. Hindi naglaon, natuklasan din nila ang kabutihan ng sama-samang pamumuhay. Nalaman nilang kailangan nilang maprotektahan ang kanilang buhay mula sa anumang sakunang dulot ng kalikasan tulad ng pagbaha o kaya ay mula sa ibang pangkat ng tao sa kanilang kapaligiran. Napagtanto rin nilang magagawa lamang ito kung mayroong maayos na pagpaplano at pamunuang mamamahala sa pagsasakatuparan nito. Dito nagsimula ang pagtatatag ng isang organisadong pamahalaang tinawag na lungsod-estado.
Ang relihiyon ay higit ding naging organisado sa panahong ito. Ang mga paniniwala ng sinaunang tao ay nakasentro sa kalikasan, espiritu ng mga hayop, at sa konsepto ng buhay matapos ang kamatayan. Bunga nito, ang mga magsasaka ay sumamba sa maraming Diyos at Diyosa na pinaniniwalaang nagdudulot ng ulan, hangin, at iba pang puwersang pangkalikasan. Ito ang nagpasimula ng mga gawi, paniniwala, at ritwal na naging batayan ng pagpapahalaga ng lumalagong populasyon ng sandaigdigan.
Ang Panahong Metal ay nabuo dahil na rin sa patuloy na paglaganap at pagbabago sa lipunan. Sa paglaon ng panahon, ang mga kagamitang bato ay napalitan ng mga kagamitang metal at sa pagdaloy pa ng panahon ay napalitan ng tanso. Ngunit dahil sa kakulangan ng suplay ng tanso, nakatuklas naman ang mga sinaunang tao ng higit na matitibay na metal na bakal na gamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Panahon ng Tanso - Unang Metal (Copper)
Tanso ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal na nakuhang nakahalo sa buhangin sa gilid ng ilog Tigris.
Higit na matigas ang tanso kaysa ginto at nahuhulma sa iba't-ibang hugis na nais ng tao.
Nalinang nangmabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang gawa sa tanso.
Unang ginamit ang tanso sa mga lugar sa Asia, Europe at Egypt.
Panahon ng Bronse - Lata (Tin) at Tanso
Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay - ang bronse o pulang tanso. Ginamit ito sa paggawa ng mga armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, martilyo, punyal, pana, at sibat.
Natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mag karatig pook.
Panahon ng Bakal (Iron)
Natuklasan ng mga Hittite ang pagtunaw at pagpanday ng Bakal. Inilihim nila ang kaalaman ng pagtunaw at pagpapanday ng bakal kung kaya umunlad ang kanilang kabihasnan at madalas ang pagwawagi sa mga digmaan.
Ang paggamit ng bakal ang naghatid sa kabihasnan mula sa sinauna,gitna hanggang sa modernong panahon.
Lumaganap sa buong Africa, Asia at Europe ang paggamit ng bakal.