Arts Month 2022

OUA-Memo-01220158-DEPED-ETULAY-NATIONAL-ARTS-MONTH-CELEBRATION-2022.01.31 (1).pdf

‘SINING NG PAG-ASA’: National Arts Month, NA-ETULAY!

Ni: May Antonette G. Magwili

Ipinagdiwang ngayong taon ang National Arts Month sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na may temang “Sining ng Pag-asa” na kung saan kinikilala ang sining bilang isang bukal ng PAG-ASA na hindi alintana ang pandemya upang ito ay maisakatuparan.

Naglunsad ang DepEd ETULAY ng programa para sa nasabing pagdiriwang na ipinalabas ng LIVE sa iba’t ibang DepEd Social Media Accounts na nilahukan ng mahigit kumulang na 3000 viewers mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang ETULAY National Arts Month ay isinagawa ng tatlong sabado: Pebrero 12, 19, at 26 mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay dinaluhan nina Dir. Abram YC. Abanil – Director IV ng DepEd Information and Communications Technology Service; Mga Keynote speakers na sina Bb. Michelle D. Clarito, mula sa SDO Laguna, Dr. Joel T. Torrecampo, Superintendent ng SDO Las Piňas; at G. Orlando P. Abon, miyembro ng National Committee in Culture Education, National Commission for Culture, and the Arts.

Ipinakita ang iba’t ibang uri ng sining ng ating bansa sa unang araw ng pagdiriwang. Isa na rito ang Official Entry ng SDO-Bulacan na Sayaw Pinoy 2021 sa NCCA, kasunod naman ay isang madamdaming awitin ni Bb. Romarie Punongbayan na “Malaya”, Mixed Media Arts ni Bb. Maria Michelle V. Lacdao, Ballet Dance nina G. Markson Verdejo at Bb. Sheila Mea Verdejo, Kundiman Song na “Bituing Marikit” ni Bb. Ma. Faye N. Labonete, Paggawa ng Paper Weaving mula kay Bb. Tanilyn C. Reyes, awiting inihandog ni Bb. Diana B. Umandap na may pamagat na “Longer”, dance sports ni G. John David Martin at Bb. Sharlene Grace Martin; at awiting “Ano Kaya ang Kapalaran” ni Bb. Princess Faith S. Aquino.

Naganap ang ETULAY Tutors Got Talent sa pangalawang araw na kung saan nagpakitang gilas ang mga Tutors ng kanilang mga talento sa iba’t ibang larangan. May umawit, sumayaw, nagkarate at umarte. Kabilang sa mga Tutors na nagpakita ng kanilang talento ay sina Tutor Era E. Limongco, Tutor Tanilyn C. Reyes, Tutor Luis John Quiambao, Tutor Rosemarie F. Magno, Tutor Michael Angelo C. Maleriado, Tutor Erza Ulep, Tutor Maria Cristina V. Causaren, Tutor Romeo A. Nuevo Jr., Tutor Sharmaine S. Tumangan, Tutor John Walter M. Soriano, Tutor Mark Kevin L. Olimba, Tutor Ramelita Rafa, Tutor Gerald Ramos, at Tutor Merlita Abao kasama ang kaniyang kapareha sa pag-awit na si G. Gerame Tura.

Naging kapana-panabik ang huling araw ng episode sapagkat dito ibinigay ang mga nagwagi sa iba’t ibang patimpalak sa mga Tutees ng ETULAY gaya ng Hip Hop Dance Contest, Tiktok Dance Challenge, Watercolor Painting Contest, Likhang Sining (Creative Drawing and Coloring for K-G3), Poster Making Contest, Photo Essay Contest, Virtual Himig Kundiman, ECOltura: Rampa, Feast ng Pinas, OPM Dance Exercise, Solo Instrument Contest, at Vocal Solo Contest.

Matagumpay itong naisakatuparan dahil sa mga masisipag na Technical Working Group, na pinamunuan ni G. Mark Anthony F. Jamisal, Program Lead ng ETUlay kasama ang ETUlay EdTech Specialists na sina Bb. May Antonette G. Magwili at G. Jester M. Pagkaliwagan; G. Jester B. Sogitao, Arts Month Chairman, kaakibat si Bb. Jinabelle V. Prieto, Co-chairman; Mga magigiting na miyembro sa likod ng camera na sina G. Jerk S. Diaz, Bb. Romarie Punongbayan, Bb. Vida Bianca Mercader-Laus, G. Rommel John l. Aballe, G. Aristotle James A. Alvarez, Bb. Joanna Dionisio, Bb. Eujan Ruflyn Alice G. Abracia, G. Erice L. Martin, Bb. Mary Antonette C. Magtanong, G. John Walter M. Soriano, G. Rafael Martinez, G. Ariel Delos Santos, G. John David Martin, G. Jonathan Almirante, G. Markson Verdejo, Bb. Maria Cristina Causaren, at Bb. Merlita Abao.

Isang patunay na ang Pilipinas ay maraming SINING na maghahatid sa atin sa rurok ng tagumpay at makilala sa buong mundo kung ano at sino ang PILIPINO. Huwag kalimutan na ang SINING at KULTURA ay isa sa magtataguyod ng PAG-ASA sa ating bansa. Padayon Pilipinas!


Sining ng Pag asa.mp4
ARTS MONTH TEASER.mp4
ARTS MONTH ARTS TEASER 1.mp4
Nagpayong High School_Salayaw_Dance_Company_Pandanguiado Buraweño-1080p.mp4
BAGANI-COVER BY DEPED TV TEACHER BROADCASTERS.mp4