Learning Objectives
Sa pagtatapos ng Aralin ang mga bata ay inaasahang :
Mapantig ang mga salita
Napagsusunod - sunod ang mga salita ayon sa alpabeto ( unang letra ng salita )
Natutukoy ang dalawang Uri ng pangngalan
Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana
Success Criteria
Sa pagtatapos ng Aralin ang mga bata ay inaasahang :
Mapantig ang mga salita
Napagsusunod - sunod ang mga salita ayon sa alpabeto ( unang letra ng salita )
Natutukoy ang dalawang Uri ng pangngalan
Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana
Discussion
Pantig - ito ay ang bigkas ng mga salita
Pagpapantig ang tawag sa paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.
Mga halimbawa
uupo u - u po
maganda ma - gan- da
Masaya ma- sa - ya
marumi ma- ru - mi
bote bo - te
Pagsasaayos ng paalpabeto
Alpabetong Filipino
Ang Alpabetong Filipino ay 28. Ito ay binubuo ng 5 patinig t 23 na katinig
Patinig : Aa Ee Ii Oo Uu
Katinig : Bb Cc Dd Ff Gg Hh Jj Kk Ll Mm Nn Pp Qq Rr Ss Tt Vv Ww
Xx Yy Zz
Pagsasaayos ng Paalpabeto
Halimbawa
Ate bola
kuya holen
Pinsan manika
Pangangalan
Ito ay bahagi ng pananalita na tumukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop o pangyayari. may dalawang uri ang pangngalan.
Pangngalang Pantangi - to ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.Ito ay karaniwang nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa
Pilipinas Lunes Ana Canada
Pangngalang Pambalana - ito ay tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari.Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa
bansa bata parke nanay
Cross Curricular Link
English : Nouns
Real Life Application
Sa tulong ng pangngalan, nagiging mas malinaw at konkretong nauunawaan ng ibang tao ang ating mga salita. Ito rin ang nagbibigay-identidad sa mga bagay, tao, at konsepto na ating nababanggit
Evaluation
Pagsasanay 1
Pantigin ang mga sumusunod na salita
Mata ________________________
bola ________________________
masaya ________________________
malayo ________________________
luluwas _________________________
Pagsasanay 2
Ayusin ang mga salita nang paalpabeto. Lagyan ng bilang 1 2 3 sa bawat patlang.
_____ ama _____bata _____ sukay
_____ lola _____ kuya _____ laruan
_____ ina _____ ate _____ manika
Pagsasanay 3
Basahin ang mga sumusunod na pangangalan.Isulat ang PT kung ito ay pantangi at PB kung Pambalana.
_____1. bulaklak
_____2. Maynila
_____ 3. bansa
_____4. sabon
_____5. Dove