Learning Objectives:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang :
Nauunawaang ang pang-uri
Natutukoy ang panguri at uri nito
Natutukoy angpang uring ginamit sa pangungusap.
Nagagamit ang pang-ur sa pangungusap ayon sa urinito.
Success Criteria
Sa pagtatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang :
Nauunawaang ang pang-uri
Natutukoy ang panguri at uri nito
Natutukoy angpang uring ginamit sa pangungusap.
Nagagamit ang pang-ur sa pangungusap ayon sa urinito.
Discussion
Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan
1. Pang-uring Panlarawan (Descriptive Adjective)
Ang pang-uring panlarawan ay nagsasaad ng laki, kulay, at hugis ng tao, bagay, hayop, lugar, at iba pang pangngalan. Maaaring ilarawan din ang anyo, amoy, tunog, yari, at lasa ng bagay. Ang mga pang-uring panlarawan ay karaniwang nagsasaad ng mga katangian na napupuna gamit ang limang pandama (five senses). Nailalarawan din ng mga panguring panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng tao o hayop.
Mga halimbawa ng pang-uring panlarawan (may salungguhit ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uri):
Tanggapin mo sana ang aking munting regalo.
Minasdan ni Maria ang kanyang sarili sa salamin na biluhaba.
Si Delia ang babaeng nakasuot ng pulang bestida. Kailangan nating palitan ito ng bakal na tubo.
Iwasan mong kumain ng mga pagkain na masyadong matamis.
Sa aking panaginip, hinahabol ako ng isang nakatatakot na halimaw.
Ipinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang mabubuting anak.
Malubha ang karamdaman ng matandang pulubi.
2. Pang-uring Pamilang (Numeral Adjective) Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan. May ilang uri ng mga pang-uring pamilang.
Mayroong isang lalaki na kumakatok sa pinto.
Sina Mike at Grace ay may apat na anak
Bumili ako ng limang itlog sa tindahan
Higit sa apat na libong tao ang nasa mga evacuation center.
Ako ang ikatlong mag-aaral na napiling lumahok sa paligsahan.
Nakamit ni Jason ay unang gantimpala sa paligsahan sa pagguhit.
Ito ang pangalawang pagkakataon na ibibigay sa iyo ng hukom
Tiglilimang kendi ang ibibigay sa mga bata.
Ang mga mag-aaral ay kumuha ng tigalawang lapis.
Kalahating mangkok ng kanin lang ang kinain ni Carlo.
Gumamit ako ng sangkapat na tasa ng mantika sa pagluto.
Cross Curricular Link
English : Descriptive and Limiting Adjective
Real Life Application
Evaluation