Learning Objectives
Nasasabi ang kahulugan at gamit ng pang-angkop.
Natutukoy kung kailan ginagamit ang pang-angkop.
nagagamit sa pangungusap ang pang-angkop na ng, na at g.
Success Criteria
Nasasabi ang kahulugan at gamit ng pang-angkop.
Natutukoy kung kailan ginagamit ang pang-angkop.
nagagamit sa pangungusap ang pang-angkop na ng, na at g.
Ang Pang-angkop ay katagang naguugnay sa dalawang salita. Ginagamit ito upang maging magaan ang pagbigkas ng dalawang salita.
Mayroong tatlong uri ang pang-angkop.
Ng Na at G
Idinudugtong ang ng sa naunang salita na nagtatapos sa patinig.
Mayroon tayong limang patinig sa alpabetong Filipino ito ay ang Aa Ee Ii Oo Uu
Halimbawa :
Mabuting kaibigan
Batang malusog
Loteng malawak
Inilalagay naman ang pang-angkop na na sa pagitan ng dalawang salita kung ang unang salita ay nagtatapos sa katinig.
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng mga sumusunod na patinig
Bb Cc Dd Ff Gg Hh Jj Kk Ll Mm Nn Pp Qq Rr Ss Tt Vv Ww
Xx Yy Zz
Halimbawa :
mabigat na bag
mataaas na puno
maayos na higaan
malambot na kama
Kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa letrang Nn ay dinudugtungan na lamang ito ng letrang G.
Halimbawa
Naiwang bata
Hanging malakas
Tahanang malinis
Cross Curricular Link
English - Articles
Real Life Application
Evaluation
Pagsulat ng tamang pang-angkop
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang pang-angkop (-ng, -g, o na).
1. Pula_____kotse
2. bahay_____ bato
3. Limandaan_____ piso
4. Damit_______regalo
5. Madilim ________ silid.
6. Pinakamayaman_______ bansa
7. Matamis________ mangga
8.Malambing ______bata
9. Pinakamalapit_________ ospital.
10.Ginto________ singsing
11.Makapal________ kumot
12. Sariwa______gulay
13. Mahiyain_______ bata
14.Dalawang _______ pulis
15. Masagana__________ ani
16. Sikat________ artista.
17. Malambot_______ unan.
18. Puti_____uniporme
19. Buhok________ mahaba
20. Masarap______ ulam