Learning Objectives :
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang :
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa Pagpapakilala sa Sarili.
Natutukoy ang mga letra ng Alpabetong Filipino.
Naayos ang mga salita nang paalpabeto
Natutukoy ang pangngalan sa pangungusap.
Success Criteria
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay:
Nagamit ang magagalang na pananalita sa Pagpapakilala sa Sarili.
Natukoy ang mga letra ng Alpabetong Filipino.
Naayos ang mga salita nang paalpabeto
Natukoy ang pangngalan sa pangungusap.
Discussion
Magagalang na Pananalita
Ating basahin ang dula.Tignan ang mga magagalang na pananalitang ginamit sa pagpapakilala sa kanilang sarili.
Ano - Anu ang magagalang na salita ang nabanggit sa dayalogo?
Ito rin ba ang inyong ginagamit sa pakikipagusap sa inyong nakatatanda?
Ngayon ay inyong ipapakilala ang sarili.Kinakailngan ninyong gumamit ng magagalang na pananalita.
Alpabetong Filipino
Ang Alpabetong Filipino ay 28. Ito ay binubuo ng 5 patinig t 23 na katinig
Patinig : Aa Ee Ii Oo Uu
Katinig : Bb Cc Dd Ff Gg Hh Jj Kk Ll Mm Nn Pp Qq Rr Ss Tt Vv Ww
Xx Yy Zz
Pagsasaayos ng Paalpabeto
Halimbawa
Ate bola
kuya holen
Pinsan manika
WIKA
Pangngalan - Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop at pangyayari.
Halimbawa
Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari
ina sasakyan paaralan aso kaarawan
ama laruan palaruan pusa pasko
guro mesa silid baboy araw ng mga puso
ate aklat bayan ibon kasal
Pagsasanay 1
A. Isulat ang nawawalang titik
Aa _____ Cc_____ Ee_____ Gg_____Ii_____Kk_____Mm_____Nn_____Ng_____Pp_____Rr
_____ Tt _____Vv_____ Xx_____ Zz
B. Ayusin ng paalpabeto ang mga sumusunod na salita.lagyan ng bilang mula 1 hanggang 3.
_____ Aso _____ Bahay _____ ama
_____ paaralan ____ kahoy ____ kapatid
____ bola ____ apoy _____ ina
Pagsasanay 2 .
Bilugan ang pangngalan sa bawat pangungusap.
Naglalaba ang aking nanay.
Sumama ako sa Parke.
Bukas ang aking kaarawan.
Napakabait ng alaga kong isda.
Binigyan ako ng bagong sapatos.
Luluwas kami ng Maynila.
Nawawala ang akig pitaka.
Tahol nang tahol ang aso.
Sana makatanggap ako ng regalo sa darating na pasko.
Si beth ang aking matalik na kaibigan.
Cross Curricular Link
Values : Pagiging Magalang
Real Life Application
Nagagamit ang magagalang na salita sa pang-araw araw nating pamumuhay lalo na sa pakikipagusap natin sa mga tao.
Evaluation
Pagsasanay na gawain