Start Date: December 30, 2024
Finish Date: January 01, 2025
• Japan | 10 eps
• it has approx 50 min runtime per ep
★ Starring Kato Shigeaki
• this is about zero na isang teacher, napasali siya sa isang survival game sa dream kingdom whose prize is 100 billion yen and will be the successor of the zaizen group.
• habang patagal nang patagal sumasakit ulo ko. may thrill naman 'yung mga games dito, pero dahil kay zero ay halos lahat ng larong sinasalihan niya ay laging naiinvolve ang math. sumakit lang ulo ko kay zero, kay fave character ko si shirube eh hehe nonchalant na chill guy.
• fave game ko rito 'yung quarter jump, siguro kasi sobrang nagalingan ako sa strategy rito ni zero esp ni shirube na 45 secs lang ay nanalo na agad, & wala kasing math dito kaya namahinga utak ko lol.
• dumating sa point na naiinis na ako kay zero, tipong makita lang niya 'yung isang bagay alam na agad 'yung sukat?! lahat ng kaalaman sa mundo siguro nasa kaniya na pati pagkatao mo kayang alamin e. nung nagpaulan ng katalinuhan, sinalo niya lahat.
• mas kuhang-kuha ni chikara ang inis ko :>
• kung hindi pa sasabihin ng kapatid ko na kahawig ni zero si mikael daez ay hindi ko pa makikita, how to unsee?
• character development of the characters >>>
• kaya pala gano'n na lang ka-against si mineko kay zero dahil sa nangyari sa past nito kay mitsuru, & do'n na-build ni zero 'yung personality na meron siya.
• ang hirap nito hanapin, pero thanks sa drive na nakita ko. pwede ba ilagay link? here ko siya napanood: https://zerodrama.livejournal.com
• kung naghahanap ka ng mala-AIB or squid game na panoorin, try this one. meron pa 'tong side story pero hindi ko na siya panonoorin, it's 9/10 for me.