Finish Date: April 08, 2024
• Philippines | movie
• it has approx 1 hr & 30 min runtime
★ Starring Nova Villa, Freddie Webb, and Dante Rivero
• it was recommended to me maybe because it is about a first love that i can relate to. mapanakit ang taong nagreco nito sa'kin.
• tungkol 'to sa old woman na si cory na hindi nakatuluyan ang kaniyang first love dahil sa isang accident at pumunta na abroad si third kaya hindi natuloy ang kanilang love story. after so many years nagkita ulit sila at natuloy ang kanilang first date kung kailan matanda na.
• tbh nalalandian talaga ko kay cory, magmula dalaga pa lang siya hanggang tumanda aba kerengkeng pa rin ang lola mo. nakuha pa magreminisce, grabe talaga ang kalandiang taglay hahaha sabagay first love, acceptable.
• may mga maliliit na bagay na nangyayari sa life natin na pwedeng makapagpabago sa buhay natin tulad ng nangyari kay cory nung gabi na susunduin siya ni third dahil prom dates sila, pero dahil masyadong excited si cory at lumabas ang kaniyang kalandian nung tumawag si third, napatid siya at hindi na nagpakita. ang gaga ay hindi na kinausap si third kahit kailan (??)
• may mga bagay na natatapos sa maliliit na dahilan at nakakainis isipin. siguro kaya hindi na rin binalikan ni cory si third even tho sumusulat naman ito sa kaniya at nakikipagbalikan, maybe takot na siya? takot maiwan?
• sakit ng katotohanan kapag pareho niyong first love isa't isa tapos hindi kayo nagkatuluyan and wala ring closure na naganap. nung tumanda lang nagkaroon ng closure, buti hindi pa kayo namataii at natuloy pa ang first date lol. kapag sobrang minahal + first love pa ay talaga namang mahirap kalimutan 'yan.
• 'yung pag-iyak sa car ni cory alam na alam ko kung bakit, hindi ako naiyak do'n or sa story pero nalungkot ako sa realizations & anytime pwede ko 'yon i-relapse while reminiscing hahaha. hindi ako assumera, but in my case kasi i can feel it na kaya pa 'yon kasi bata pa kami pero takot akong subukan na alam kong pwede kong pagsisihan sa pagtanda ko tulad ni cory.
• gusto ko 'yung scene na sinunog 'yung letters. hindi ka na malandi sa part na 'yon, cory. okay ka naman sa asawa mo kasi napunta ka naman sa tamang tao, appreciate and be grateful pa rin kahit malungcoat kasi kasalanan mo naman 'yan papatid-patid ka e lol. napatid ka lang hindi ka na nagpakita ay ambot sa imo.
• approve naman si alejandro kasi nag-eeffort at kinocomfort si cory. doon pa rin tayo sa lalaki na ang gusto lang ay mapasaya tayo sa piling nila >>>>
• hindi ko alam kung cut ba napanood ko sa yt kasi nakukulangan ako sa story. curious ako sa love story ni cory at ng asawa niya. paano sila nagkatuluyan nung panahong love na love niya si third?
• 5.5/10