Finish Date: April 30, 2024
• Philippines | movie
• it has 1 hr & 55 min duration
★ Starring Eugene Domingo, Toni Gonzaga, Wendell Ramos, and Zanjoe Marudo
• nireco sa akin ng kapatid ko kakascroll niya, ito 'yung nagtrending sa tiktok dahil sa famous line ni toni na "uUy⬆️uyy⬇️uy⬆️Uy⬆️" comedy type kaya hindi nakakastress panoorin
• marami akong natutuhan na maapply dahil nangyayari talaga siya in real life. take note of the ff:
hindi sapat ang love lang sa relationship, & mahirap 'yung nakikialam ang parents sa kasal at buhay mag-asawa
hindi kabawasan sa pagkalalake ang pagtatrabaho ng babae, tanggalin n'yo na sa mindset n'yong mga lalake ang "ako ang lalaki, ako dapat ang nagtatrabaho" anteh nasa 21st century na ho tayo at wala na tayo sa panahon ng espanyol na kung saan ang mga lalake ang palaging nasusunod. hindi naman porket lalake ka e ikaw dapat ang bumubuhay sa inyong dalawa, pwede naman magtulungan dahil magpartner kayo.
i-take note talaga sa buhay natin na never tayo titira sa bahay ng biyenan natin, at kung ayaw humiwalay ng partner n'yo sa bahay nila ay ikaw na mismo ang humiwalay sa kaniya. EKIS SA MAMA'S BOY. kapag mama's boy ang bebe mo ay kabahan ka na kasi mas pipiliin niya magpamanipulate sa mama niyan kaysa sa makinig sa'yo, legit 'yan.
ito pa, mas maganda na huwag muna magpasak---magpakasal kung wala naman kayong sariling bahay. for me kasi bahay dapat ang unang pinupundar ng magpartner kung nakikita na talaga nila ang isa't isa sa future. nagsisimula sa kasal ang gastos at after no'n ay wala nang katapusan na gastusin ang aabutin n'yo ('wag na lang mag-asawa, beh).
kapag hindi sigurado sa isang bagay ay huwag nang ituloy
iwas tayo sa may mindset na "may asawa ka na dapat ganito ka," kung palagi mong mamanduhan ang partner mo ay hindi kayo magkakasundo, dapat may goal kayo at naiintindihan n'yo ang side ng bawat isa.
• 'yung line ni belay na "iiwan kita dahil mahal na mahal kita tsaka tingin ko kasi hindi na ako yung babaeng magpapasaya sa'yo," parang ano lang hindi lahat ng napapamahal sa'tin ay nagiging atin
• all in all, good plot, script, & acting esp Toni's acting skills na napakanatural
• 8/10