Start Date: February 25, 2024
Finish Date: March 10, 2024
• Thailand | 12 eps
• it has 45 min runtime
★ Starring Barcode Tinnasit, Ta Nannakun, Copper Phuriwat, JJay Patiphan, Fuaiz Thanawat, Mio Athens, Bump Pawat, Jet Jetsadakorn, and Us Nititorn
• hindi ko naman talaga dapat matatapos 'to agad kasi hindi ko pa siya pinapansin kahit 11 episodes na nakaupload, pero dahil hindi ako makarelate sa gc namin na ito ang topic, pinanood ko agad siya kinabukasan at natapos ko lahat ng isang upuan hahaha hindi talaga ko papahuli e kainis
• trigger warning: disturbing content (nakakatrauma 'to lalo na 'yung last ep na sunod-sunod ba naman mga bad happenings) magaling nga gumawa horror thailand
• hindi naman siya nakakatakot dapat for me kaso magugulatin nga ako kaya naaano ako sa sound effects aaaaa kainis!
• napansin ko rin na may mga walang sub kapag hindi pasalita such as 'yung letter sa bahay ni non and 'yung comments sa live
• i loved the plot, cinematography, edits, and visuals. maganda naman chemistry pero hindi ko alam kung kanino ba para dapat si phee hmp. may chem din naman si tee & white kaso wala na pag asa.
• barcode acting🔛🔝
• cliffhanger, iyan ang gusto ko pinag iisip ako sa ending😾
• buti naman may behind the scene sa dulo medyo nakakawala siya ng trauma hehe
• hindi naman kasalanan ni tee ang lahat kasi lahat silang magbabarkada ang may kasalanan, pero mas lumala talaga dahil kay tee. ehh bakit nadamay si white? is non still alive?? anong nangyari after nila mahimasmasan do'n sa bahay? nakaalis ba talaga sila or hallucination pa rin ang lahat?
• 8/10