Finish Date: December 12, 2023
• Philippines | movie
• it has 2 hr & 10 min duration directed by Olivia Lamasan
★ Starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
• KN fan ako noon pero now ko lang napanood kung kailan break na sila irl hahaha. nakita ko lang 'to pag-open ko ng yt, and sinubukan ko lang kung anong feeling manood ng film ng real-life couple na nagbreak hehe. ano wala lang hahahaha kasi iniisip ko characters lang sila, professional kasi ako manood HAHAHAHAAHAHAHAHA wow 'kala mo talaga.
• no'ng una, hindi ko nagustuhan character ni mia here na masyadong ma-pride. isa dapat sa icoconsider mo kapag mag-aabroad ka ay ibaba ang pride para magtagal at makaipon ng pera, pero okay rin naman kasi nagkaroon siya ng character development.
• kathryn's expression is top-tier! ganda pa ng visual, bagay 'yong kulot na hair sa kaniya <3
• nacurious ako sa sinabi ni mia na, "sa buong mundo meron kang anim na kamukha" whaaat? kaya pala sabi ni ano parang nakita niya raw ako---hindi ako naniniwala na may kamukha ako hahahaha
• do'n sa part na narealize ni ely na hindi lang pala kay celine umiikot 'yong mundo niya, sabi ni mia, "you were growing" tapos ang reply ni ely, "but we were growing apart"
• fav part ko here 'yong sabi ni mia "my dance will make you live," kay ely ta's sinayawan niya >>>>
• "Kaya pala dinala ako ng buhay rito kasi nandito ka. Kaya pala, para sa'yo pala." <33
• Takeaways:
- You are worthy of being loved.
- Kahit ilang beses ka pa magfail at masaktan dapat alam natin sa sarili natin na may chance pa tayong matuto at make ourselves better. Patawarin ang sarili at patuloy lumaban.
- Kapag mahal mo ang isang tao dapat isa lang ang dahilan. Mahal mo siya dahil mahal mo siya, 'yon ang deserve nila. That's all matters.
• May mga obstacles na dadaan sa buhay natin pero lagi nating tandaan na may pag-asa pa tayong umangat. May mga taong sumusuporta at naghihintay pa sa'yo.
• i hope i will find my own mia someday, 'yung magpapalaya sa mga sakit na kung saan kinulong ko 'yung sarili ko. paano pala kung wala talaga? edi ouch hmp.
• I'd rate it a 9/10!
Even me mapapa "too stunned to speak" kapag may ganitong taong handa kang mahalin kahit na hindi ka pa tapos magmahal ng iba, kahit miserable ka pa kasi handa rin siyang ayusin ka. Love lots, celine este mia hehe.
"It's hard to love someone who's not yet done loving someone else."
Legit, kasi pwede kang maging pampalipas oras lang, rebound, nakikita niya lang 'yong ex niya sa'yo, bored, or gusto lang ng temporary fun. Ekis dapat tayo sa mga taong mahal pa 'yong ex nila kung ayaw rin nating masaktan waaw si drama hahaha.