Start Date: November 07, 2023
Finish Date: November 29, 2023
• Philippines | 50 eps
• it has 30 mins duration each
★ Starring Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Daniela Stranner, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, and Xyriel Manabat
• ang late ko na nga manood, late din ang rate hane. ep 1 pa lang natrigger na agad ako, naaano talaga ko sa mga tumatal0n/nalala4glag sa bu!lding >>.<< altho may discretion advised naman, nagkaro'n pa rin 'yon ng impact sa'kin pero 'yong angst ng series na 'to 'yong isa sa mga nagustuhan ko HAHAHSHAAHA ang gulo ko diba? naddrain pero tuloy lang sa panonood.
• angas intro at music, good production, & good cast/acting
• about the characters:
luna - no'ng una aaminin ko nacoconyo-an ako kay luna pero no'ng unti-unti nang naeexplore 'yug character niya, do'n ko siya nagustuhan. ay mabait, ay caring sa mama, caring kay sky, pero ayoko sa part na nagpapauto siya kina z, archie, etc. para masama lang siya sa circles nila. ano kayang secret ni luna, hano?
sky - kahit gets ko naman siya no'ng una, inis din nafeel ko. akala mo kasi kung sinong maangas e hahaha tigas ng ulo pero infairness umabot na nagkabati sila ng kambal niya bago made4dz, & hindi natatakot lumaban para sa justice.
obet - ang ex bf ni luna, okay ako rito no'ng una e. mukhang mabait, malambing kay amam, pero may pagkatraydor at tirador.
roxy - ito fav character ko sa series na 'to. small but terrible, hindi mo kaya! lagi akong napapasaya nito kada may malupit na rebat such as "naiwan mo utak mo", "aga-aga may maligno", "bagay sa'yo 'yung orange", "hindi ko naman sinisekreto", and many more lol. love you, roxy!
tim - mvp ng basketball, protective bf, & closeted. wala naman ako problema sa kaniya siguro sa s2 meron na hehe
gino - hindi kunsintidor pero pinipiling manahimik at pumikit sa mga hindi magandang nangyayari--wait hindi ba 'yon kunsintidor? he's still in the middle of the road, lost, not knowing where to go.
z & archie - inis ako sa mga personality ng mga 'to lalo na si z, hindi na makatao. while kay archie naman, naiinis ako pero believe din ako sa pagiging kuya niya. nice ka ro'n, baby HAHAHAAHAHSHAHA nalaman ko kasi na siya pala 'yong sa gameboys (filo bl)
poch - daming tinatago. pathetic. sa s2 ko lalaitin ems.
kenji - ito 'yong human cctv o 'di kaya camera man, aba bang bilis sa ebidensiya ni accla.
sanya - i like her voice (kalmado, malinaw 'yung accent) i like her mindset, i like her for being neutral. tipong totropahin at jojowain ko hehe
• sorry tim pero naghihintay ako ng enemies to lovers trope nina archie at roxy. hintayin ko rin progress sa inyo ni poch.
• naccringe ako sa scene na kakanta ng sabay sina gino ar sky kasi hindi bagay 'yung voice nila sa isa't isa, for me lang naman ha.
• halos lahat ng characters kinainisan ko. lahat may pinoprotektahan. lahat pwede paghinalaan.
• cliffhanger ending. did luna really commit su!cid3? who's the baby daddy?
• nakuha lahat ng emotions ko sa galing umarte, but since it's draining and cliché to me, i'm giving it a 7.5/10. lakas mo, sky!