Finish Date: September 08, 2023
Rewatched: December 12, 2023
• China | movie
★ Starring Zhou Dong Yu and Jackson Yee
• This film directed by Derek Tsang is about a girl high school student who is being bullied and she meets a man who is ready to protect her at all costs.
• it's worth your 2 hours and 18 minutes to watch it, walang pagsisisi pero need mo magready ng maraming tissue. hindi kinaya ng tissue ko baka maubos agad kaya damit ginamit ko, yes, hindi panyo kundi damit tnginuh gano'n ako sinaktan nito hshashslol
• kung gaano ko minahal si zhou ye sa word of honor, gano'n ko naman siya kahate dito. thumbs up galing umarte nakuha inis ko :))
• ang perfect ng pagkakaact ng main characters (chen nian & liu bei shan) the way na iexpress nila 'yong emotions nila, kahit walang words kitang kita sa actions 'yong mga pinaparating. iyak ako nang iyak sa scene na wala si liu bei shan para protektahan si chen nian sa school kasi hinuli sila ng mga pulis (nanghuhuli wala namang kasalanan, nang-aabala pa) edi nabully si chengnian sobra-sobra ta's nadatnan siya ni liu bei shan sa bahay niya na inaayos 'yong gamit niyang napunit. gag0h umiyak si bei shan no'n iyak malala rin ako kasi ramdam na ramdam ko 'yong regret niya T___T
• I did not expect what happened to wei lai, altho humingi siya ng tawad kahit sabihin nating ginawa niya lang 'yon kasi may evidence na laban sa kaniya, hindi niya pa rin deserve 'yong nangyari pero ik na hindi 'yon sinadya ni chen nian (omg what if sinadya pala talaga?)
• medyo natrigger din ako kasi bully-related since naexp ko 'yon dati na basta lang sila mantitrip sa iba, alam kong may prob kayo pero 'wag niyo naman ipasa sa iba nega feelings niyo hindi niyo alam iniiwan niyong trauma sa nabubully niyo. alam na alam ko pakiramdam ng isang nabubully kaya tagos na tagos sa'kin 'yong gano'ng scenario.
• nagalit ako sa pulis, ang galing din ng tricks naloko ako sa sinabi niya. ang dami ko rin iniyak no'ng nagkita na ulit sila kasi dinalaw ni chen nian si bei shan sa prison. grabe willing talaga akuin ni bei shan lahat 'wag lang makulong si chen nian, 'wag daw siya aamin kahit anong mangyari. and nakuha rin naman heartu ko ng pulis kasi mabigat nga naman masyado kung aakuin lang lahat ni bei shan kaya pinapaamin niya silang dalawa, okii forgiven^^ & 'yong twist shuta nahulaan ko sabi ko pa "'wag mong sabihin na nakayellow ka rin" & it turns out that she is also wearing yellow, kinulong sila both pero magkahiwalay. (kinakausap ko rin kasi characters, madaldal talaga ko sa bahay lalo na kapag nanonood hshs)
• naging teacher si chen nian, napansin ko na ang ganda ng english accent niya >>>
• "You'll protect the world. I'll protect you." (Liu Bei Shan)
ganda ng execution ng ending kasi what he said has been shown. founding myself dumfounded again kasi ang ganda nang pinanood. sobrang thankful ako kay kyla, hindi niya 'to makikita kasi nakacustom ang post ko sa mga kaklase ko hshs pero thankful nga ako kasi siya ang nagreco nito sa'kin, utang ko sa'yo 'to babayaran na lang kita ng Our Times movie kung hindi mo pa 'yon alam (kinakausap hindi naman mababasa lol)
• I notably like this film bc of the superb cinematography, the color grading suits the ambiance of the story, and the originality of the concept. Screw this movie for being such a fcking tearjerker and beautiful. Liu Bei Shan set the bar way too high, your protector!! I would rate it 10000/10, highly recommended!!!
"You'll protect the world. I'll protect you."
(Liu Bei Shan)