Start Date: March 14, 2024
Finish Date: March 24, 2024
• South Korea | 10 eps
• it has approx 50 min duration each
★ Starring Bona, Jang Da A, and Ryu Da In
• soo ji transferred to a class na may ranking system. every last thursday of the month, may tinatawag silang pyramid game which is need mag vote kung sino gusto nila & whoever doesn't have a vote will go to grade F (will be the target of bullies).
• this pyramid game is basically violence dala ng kachildish-an ni ha rin, but for me, 'yung dapat sisihin dito is 'yung teacher na nag introduce ng pyramid game sa orphanage. malaki kasi influence ng teacher sa pag grow ng bata bc they imitative, very observant, mabilis matuto mga bata sa age nila, and very sensitive kaya mas nareretain sa kanila 'yung mga childhood memories nila. halos lahat ng ginagawa nila as they grow up is their reaction, and they will have a traumatic response similar to ha rin's if their experience is terrible.
• sa ep 4 ko nasimulang magrasp mga happenings at nakakadrain siya for me, i had mixed emotions on this drama.
• naiyak ako ro'n sa scene na nagtanong kuya ni woo ri sa mga classmates nito na "what did you do to my sister?", kumukulo talaga dugo ko sa mga taong bully. nattrigger talaga me kapag bully-related 'yung story pero at the same time ang interesting sa part ko kasi nalalaman ko ang pov both sides (bully x victim) na madalas nagiging victim lang din naman ang isang bully, again, trauma response.
• sumakit batok ko sa gigil kay ji ae, hindi marunong mag value ng friendship. where's the trust? shutahamnida ka naman, beh. paano ka magkakaroon ng real friends niyan. sabi nga diba kung gusto mo pagkatiwalaan ka ng isang tao, ibigay mo muna 'yung tiwala mo sa kanila. it's up to them na lang if ibbetray ka nila or not basta alam mo sa sarili mo na friend material ka, na deserve mong maging kaibigan ng kahit sino. aiissh si beh ko naman panira palagi ng plano, pero ok i forgive you kasi alam ko namang mahina lang talaga loob mo e T___T
• fav scenes ko 'yung dodgeball nila which they chose na hindi na magkasakitan pa sa huli kaya tinatap na lang nila 'yung bola & nagbibigayan ng points, and 'yung scene sa dulo ng ep 7 which was shown there kung gaano kasolid 'yung friendship nila. iyak ako nang iyak no'n HAHAHHSHAHHSHSHA kasi diba kung lahat magkakaibigan, there is peace.
• interested & malapit talaga loob ko sa mga nonchalant/mysterious type ng tao kaya fav character ko si ja eun. siya 'yung character na akala mo mahina at first glance, but she's strong, sobrang caring, and reliable (in her own way). sa sobrang love ko sa kaniya, shinip ko siya kay soo ji hahahaha!
• i love kabadingan moments kasi hindi ako nag expect na may gano'n hereee <333
• debut drama 'to ni Jang Da A??! i think nakita ko na siya somewhere. sobrang galing lang naman umacting, feeling ko nalagas buhok ko sa stress dahil sa kaniya hmm so cuteee sarap sabunutan ni ha rin hehe ^__^
• i love bona, sana magkagl na siya para hindi ko na siya ishiship sa mga nagiging bff niya sa drama lol.
• Overall, this is good. Lahat tayo gusto lang naman mapansin at makita. Be kind to everyone because you never know the impact you will have on people.
• 9/10!