Start Date: December 21, 2023
Finish Date: December 23, 2023
• South Korea | 20 eps
• This series is directed by Kim Kyu Tae with a running length of 60 mins each
★ Starring Lee Joon Gi and Lee Ji Eun, better known by her stage name IU
LOVE IS SO DANGEROUS, diba?
• Kahit kailan never kong naimagine na mapapanood ko 'to, maraming nagsabi na sobrang sakit at sinira daw sila ng series na 'to. Kaya hindi ako madalas manood ng historical bc mabilis ako madrain sa storyline such as dillemas, political issues, complicated love, & 'yong common na frame-up/napagbibintangan 'yong mga innocent then lead to execution. Even tho I love pain, hindi ako naniwalang masakit 'to kaya hindi ko binigyang pansin, pero legit naman palang masakit, but for me, hindi siya gano'n kasakit. Hindi ko alam kung ano 'yong nararamdaman ko, maybe I feel empty right now? Pinanood ko 'to kasi nagccrave ako ng pain. Gusto ko masaktan tuwing December, to punish myself, and to remind myself that love is so painful and scary.
• This is a story about an ordinary woman na gusto ng sumuko sa buhay pero dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, eclipse, nameet niya ang isang lalaki na magkakaroon ng malaking impact sa kaniya. Pero ang ordinary woman na iyon ay ang bumago sa buhay ng palasyo. She has been warned several times not to get involved with any of the princes pero hindi niya magawang iignore lahat. What she did also contributed a lot to history.
• Ang tagal ko na rin nakanood ng historical kaya siguro hindi ko napansin nung una na akala ko hindi nagbago dialect. Dito ko rin narealize na iba rin pala writing system sa kanila since hindi 'yon mabasa ni Go Ha Jin.
• Hulaan niyo kung anong team ako, team Wang So or team Wang Wook? ^___^
• Alam ko na una pa lang na nakita ni Wook 'yong pagbabago ni Hae Soo mula nung naaccident 'to, may naramdaman na siyang strange feelings. Tulad nga ng sabi niya, hindi naman sila close dati pero nag-iba ang ambiance sa kanila lalo na nung nagkasakit ang wife niya na cousin ni Hae Soo. Mas lumalim pa feelings nila sa isa't isa nung mawala asawa ni Wook (i forgot your name, sorry huhu)
• Isa sa fav scenes ko here 'yong nagcelebrate sila ng bday ng 10th prince sa ep 7. Lahat masaya even the 4th prince ay first time ko makita na tumawa ng gano'n and do'n niya unti-unti narerealize 'yong feelings niya kay Hae Soo.
• Sa panahon nila scarred is disgusting kaya malayo ang loob ng lahat kay Wang So, pero nung nagkaroon ng rain ritual at napili siya ang gumawa ay nakakuha na siya ng confidence at tiwala ng mga tao including his father---his majesty. All thanks to Go Ha Jin make up skills, natakpan ang scar sa face ni So. Dito rin unang nafeel ni So na sumaya dahil nagustuhan siya ng mga tao kaya sinabi sa kaniya ng king na proud ito sa kaniya at tinawag niyang "father" ang king. I think that was the first time he called him that.
• Hindi ba alam ni Wang So or inignore niya lang talaga 'yong sinabi ni Hae Soo na, "I can't share my husband with several women. I don't want to grow while waiting for him to come to me." same gurl, i cannot live that way either.
• Nagulat naman ako sa plot twist ni Court Lady Oh na 'yong sinasabing minahal niyang nameless general noon ay nakaupo na sa trono?!! The king is her greatest love. Nagpromise pa siya na mamumuhay siya bilang court lady at hindi magiging babae ng kahit sino. Damn, what a solid love. Mas maappreciate ko kung meron man lang kaunting flashback nung masasayang araw nila. I love their love story. Una akong nasaktan do'n sa naexecute si Court Lady Oh dahil inako niya 'yong kasalanan na hindi naman niya ginawa para maligtas si Hae Soo dahil tinuring niya 'tong anak. Nung una naiinis ako sa kaniya kasi ang sungit pero way pala niya 'yon para protektahan si Hae Soo. Nakiusap siya sa king at grinant naman nito ang gusto niya, and we all know na sobrang bigat at pinagsisisihan ng king ang pangyayaring iyon. They still love each other.
Maraming tao na naghahangad magmahal at mahalin dahil masarap nga 'to sa pakiramdam. Kaya hindi ko rin magawang sisisihin 'yong mga mistress na nahahanap 'yong kaligayahan nila sa asawa ng iba (don't get me wrong ha, mali pa rin 'yon). Pero kung 'yong kasiyahan at pagmamahal na iyon ay hindi mo na makita, sobrang sakit na hindi mo na makita sa iba---unti-unti kang papatayin that you will go to the point that you can no longer recognize yourself. Tulad ni Court Lady Oh na nananatiling tapat sa king kahit na sinacrifice siya para sa trono, pareho nilang sinakripiso 'yong love na meron sila para sa nation (selfless love?), maybe na nakuntento na rin siya na mahalin ito sa malayo. I think she's my favorite character. Hindi ko inexpect na iiyakan ko character niya.
• "A person's heart can be cunning." This story is all about greed and love:
- 'yong ginawa ng queen para kay yo at jung niya na maging king sa kahit sino sa anak niya
- 'yong ginawa ng mother ni wook para maprotektahan ang mga anak niya
- 'yong ginawa naman ni Court Lady Oh para protektahan si Hae Soo na tinuring niyang anak
Halos umikot ang buong kwento na may connect sa "mother love." Makikita natin na 'yong iba ay dahil sa pagiging greedy, pero kung titingin tayo sa ibang perspective lahat 'yon ay nagawa lang nila dahil mahal nila ang mga anak nila. Ang unfair nga lang sa part ni Wang So na hindi niya 'yon naranasan. Sakit kaya masabihan ng "you are my shame, disgrace, and flaw" edi sana sinaksak niyo na lang aq hehez. Big hugsss with consent for Wang So ( .づ◡﹏◡)づ.
• Mas interesting ma-in love sa taong wala sa bokabularyo nila ang word na love, ang challenging lang kasi tapos masshock na lang 'yong taong 'yon kasi one day matatanggal angas niya hahaha pero naiinis ako kay Wang So kasi naiintindihan ko siya hays. Alam ko naman na uhaw siya sa pagmamahal ng magulang lalo na ng kaniyang mother queen. Diba kaya nga niya kinuha ang throne para mapansin siya ng mother niya hanggang mamamatay nando'n lang siya at wala siyang pinapasok na iba kasi gusto niya na hanggang sa huli siya ang makikita ng kaniyang mother, alam kong revenge 'yon, harsh pero gets kung bakit niya 'yon ginawa. Ang mas nakakainis pa ro'n, sa sobrang uhaw niya sa pagmamahal ng isang ina nalimutan niya yatang pahalagahan at ingatan ang pagmamahal na binibigay sa kaniya ni Hae Soo. Patay na ang mother niya pero hindi niya pa rin nagawang isuko ang throne sa ibang brother niya para magsama na sila ni Hae Soo. History repeat like sa kaniyang father. "You are my only queen" iwww ewan ko sa'yo, So.
• Aware naman akong normal noon na asawahin 'yong relative mo, pero incest pa rin for me talaga 'yong sa sister ni wook (queen) at kay wang so (king).
• Kay chae ryung naman cutie sana kasi close siya sa lady niya kaso tnginuh nalason siya ng pagmamahal sa lalake bwct na 9th prince, kahit gaano ka talaga katarantado may nagmamahal pa rin sa'yo 'no.
• Isa rin sa fav scene ko 'yong nagkarera ng bangka sina eun at soon duk, mag-asawa na sila pero para pa rin silang mga bata kung titignan. Wala silang interest sa trono pero okay na rin siguro 'yon, may afterlife pa naman. Nabanggit ni eun 'yong gift ni So sa kaniya about his scars, idk kung nag-apologize siya (sure naman me na he apologized bc immature pa siya noon at ik na mahal niya rin 4th brother niya), or exchange na si So na tumapos sa kaniya kaysa kay Yo.
• Takeaways:
- Every person has a weak spot so take it easy on others.
- You should learn to depend on others kapag masakit na.
- You need to share your burdens in order to lighten them.
- It's not a crime to want to live.
- Greed will only take you to misery and complications.
• I appreciate jung being by her side. Siya naglabas kay Soo sa palace at inako niya rin 'yong responsibilidad ng pagiging isang ama kahit hindi naman iyon kaniya >>>>
• I didn't get the hype na sinasabi niyo na sobrang sakit nito maybe bc marami na akong napanood na movie/series na mas masakit here para sa'kin. Masakit 'yung nangyari dito pero lahat ng nangyari ay may reason, na kailangan mo pumatay para mabuhay ka, and I can say na satisfied ako kahit papaano sa ending altho cliffhanger dahil may mga pangyayari na need pa ng explanation. Pwede pa 'to bigyan ng s2 pero baka malabo na since 7 years ago na ito. Panoorin ko chinese adaptation nito kapag natripan ko kasi iba raw ang ending no'n.
• Nabago ni go ha jin ang isip ng king, makikita naman sa painting na hindi na gano'n kaharsh ang pamumuno ni So unlike sa previous history about kay gwangjong.
• Infairness nagmeet pa rin si So at ng anak niya, hoping one day na malaman niyang kaniya 'yon. Mas okay sana kung nagkita sila sa modern era like ji mong na nakikita ni go ha jin. Kumakapit ako sa word ni So na "If we are not in the same world. I will find you, my soo." kahit mas pinili niya ang trono, tao pa rin naman siya na nagmamahal. Once again, walang pag-ibig na nagtatagumpay sa masalimuot na lipunan at hindi lahat ng nang-iiwan ay hindi nasasaktan.
• Sad or happy ending? Paringgan niyo 'to, this is how I feel: Im Sun Hae (임선혜) - 'Will Be Back (꼭 돌아오리)' (Scarlet Heart: Ryeo OST) https://www.youtube.com/watch?v=Ly6bG9Xcp0c
• "How weary would life be if there was nothing to make our hearts flutter?" Cham cham cham, it's 9.5/10 for me! Pinakamabilis kong natapos na historical series phew. Okay next na agad pang rebound para makamove on nang mabilis hehe.
WHAT A BEAUTIFUL CREATURE!!
The couple we failed to protect. Wow! 2nd lead syndrome 'yan?
I loved their story & OST.
"I love you."
What a beautiful creature!
What...the fvck?!
Gusto ko 'yong color grading at visual niya here <33
What if...?
"A person's heart can be cunning. You may not feel that way now, but as you continue to feel wronged you will forget the sincerity you feel now."
"If we are not in the same world. I will find you, my Soo."
- Wang So, King