Finish Date: January 08, 2024
• Philippines | movie
• it has 1 hr & 41 min duration
★ Starring Dingdong Dantes and Marian Rivera-Dantes
• pinopromote pa lang 'to wala na sa isip ko na panonoorin ko, pero sabi ko nga for the nth time na i can't ignore recos. salamat sa dalawang nagbigay ng link (sorrii kung sa pirated lang kumakapit hahaha)
• a filo remake of the 2004 Hollywood movie If Only, maganda 'to panoorin together with your family.
• this story is abt john na sa sobrang pagkabusy sa career ay nalimutan nang pahalagahan ang pamilya. 'yung natulad lang na scene dito sa 'If Only' ay 'yung pagkabusy ni john sa career, car accident, and ofc 'yung twist na babalik sa oras, the rest ng plot ay iba na.
• sana all ganito 🤞 kay Lods
• kung ako rin nasa position ni john ta's papipiliin ako kung sino mamamataii, i'll choose myself din kasi hindi ko kakayanin kung sila unang mawawala kaysa sa'kin.
• that's why naniniwala ako sa second chance kasi "Love is sweeter the second time around" nga raw. yes, our first love always has a special place in our hearts pero ngayon ko lang narealize na sobrang importante ng second love kasi dito na natin iapply 'yung lesson na nakuha natin sa first love. sa second love din daw natin nakukuha 'yung tamang timing at nagpaparealize na may mga bagay na hindi kayang magwork sa first time.
• merong mga lines na binitiwan si mary here that left an impact on me:
- "ayoko na kasi magsalita sa'yo kasi alam ko namang hindi ka makikinig e", idk kung bakit muntik na ko umiyak after ko marinig 'to. minsan kasi sa sobrang sarado natin, natatakot na 'yung tao na magsabi
- "diba sabi kapag sobrang saya mo raw ang kasunod no'n sobrang iiyak ka", ito 'yung isa sa reason kung bakit hindi ko pinipiling sumaya kasi natatakot ako na sobrang lungkot 'yung babalik sa'kin kaya inuunahan ko na malungkot hahaha tamo 2 yrs akong masaya ta's 2 yrs din akong malungkot, kaya gusto ko rin 'yung isang sinabi na "sana hindi na ako malungkot para maging masaya siya."
- and last line 'yung lagi kong nakikita sa fb na "kaya pala bata pa lang pinagtagpo na tayo dahil hindi pala tayo sabay tatanda"
• TAKEAWAYS:
Kaya may mga wish tayong hindi natutupad kasi wala tayong matututuhan. Ang pagkawala ng isang tao ay ang magiging inspiration. Hindi ikaw magiging ikaw kung walang nawala sa'yo, minsan kasi kailangan pa na may mawala pa sa'tin bago tayo matuto.
Magpatawad. Everyone deserves a second chance pero hindi ko sinabi na bumalik kayo sa ex niyo. Kahit gaano niyo sila kamahal, kailangan nila mawala sa tabi niyo para magmature at marealize niyo na hindi lang sa kanila umiikot 'yung mundo.
Hindi lang puro good thing ang pinagpapasalamat, dapat matuto rin tayo magpasalamat sa mga challenges/problems na naeencounter natin. Kung si Lods nga tinatanggap 'yung mga regalo mong kasalanan, ikaw rin matuto kang tumanggap ng mga challenges na hinanda Niya for you, hindi 'yung binigyan ka lang ng isang pagsubok, suko ka na agad.
Life is short. Shorter than you think. Kaya pahalagahan natin 'yung mga taong nagmamahal sa'tin kasi hindi na maibabalik ng sorry kapag wala na 'yung tao.
• hindi naman na dapat 'to nakakaiyak para sa'kin kasi sunod-sunod na napanood kong may kinalaman sa time travel pero iba talaga effect sa'kin ng "Sa Susunod na Habang Buhay" ng Ben&Ben, lakas maka "first love never dies"
• good cast/acting and chemistry. sorry pero natawa me ng slight sa character ni Pepe Herrera, but i loved his acting ever since.
• 7.5/10