Finish Date: May 01, 2024
• Philippines | movie
• it has 1 hr & 24 min duration
★ Starring Alessandra De Rossi and Empoy Marquez
• napanood ko kasi 'yung interview nina empoy at alexandra sa fb ta's 'yung humor ni empoy kuhang kuha ako. as a nonchalant type, mahirap ako pasayahin pero kapag kahumor mo si empoy eh madali lang para sa'yo na patawanin ako
• ang ineexpect ko before ko mapanood ay madrama dahil sa atmosphere nung film. then during the film, super naappreciate ko character ni empoy, ang sarap kasama, kakwentuhan, ang saya ng personality. nung nag ending na, ayun ang hindi ko inexpect. never ako naspoil sa film na 'to kaya grabe 'yung shock ko.
• tungkol 'to sa dalawang filipino na nakatira sa japan. pareho silang heartbroken na pinagtagpo. then, si lea ay isang tour guide before siya mabulag, literal na siya ang tour guide ng sariling buhay ni tonyo.
• iba talaga impact sa'kin ng pov ng mga lalaki. ang ganda nung pov ni tonyo feel na feel ko emotions magmula nung nabasa ni lea 'yung sulat niya for her na ibibigay raw niya kapag nakakakita na siya ulit, but unfortunately something happened. nakasulat doon 'yung kwento kung paano nakilala ni tonyo si lea, nakadetalye roon kung paano niya binago ang buhay nito sa simpleng pagmamalasakit (pagbibigay ng repolyo at tubig) & hindi nalimutan niya nalilimutan 'yung line na sinabi ni lea na "kumain ng repolyo para sumaya ka."
• 10-second rule supremacy🙇♀️🙇♀️🙇♀️
• although nabasa at naintindihan ko naman pinaparating ng title, mas okay pa rin sana kung nilagyan ng diin/stresses para malaman agad 'yung tamang basa kasi inuulit siya so baka malito 'yung iba sa unang basa pa lang
• ang ganda nung story, kahit si empoy lang gumanap perfect 10 'to sa'kin HSHAHAHAHSHAHA kuhang kuha talaga me ng mga taong ganire ang humor <33
• i super love the ending, it bawled my eyes out. inuuli ulit ko pa 'yon panoorin para humaba lang pag-iyak ko HSHAHSHAHSHA T____T
• underrated, but a masterpiece indeed! 10/10!!