Start Date: August 20, 2023
Finish Date: August 26, 2023
• South Korea | 16 eps
★ Starring Choi Woo Shik and Kim Da Mi
• Hindi ito bl pero nilagay ko rito kasi why not? What if maisipan ko ulit panoorin ito sa future na totally okay ako? What if ngayon lang ako magandahan diba kaya ito review, 'wag na mag acads hahaha charizz.
• Mabilis lang ako manood ng series, but I watched this for one week bc it was draining for me. Bakit ko 'to pinanood? Matagal ko na 'to nakita sa tiktok (oo, tiktok na naman lol) nakita ko kasi 'yong edited clips na "what if your greatest what if" eneme and that got my interest. May summer pati ang title kaya nakuha ako. As a masokista, mahilig talaga ako sa mga mapanakit na drama (wala po akong pake sa mental health ko yes po hahaha) itong kdrama na 'to ang hinahanap ko sa isang drama, gusto ko 'yong solid na pain. Mula ep 3 hanggang ep 11 umiiyak ako, relate kasi yata ako.
• Familiar na 'to sa'kin si Choi Woo Shik dahil napanood ko na 'yong drama niya na "Boy Next Door" na mistaken as bl lang pala (nandito 'yon mga no. 120 yata dunno). Hindi siya gano'n kaattractive sa'kin kasi hindi siya matangkad pero ang nagustuhan ko sa kaniya is 'yong sexy eyes niya, & magaling siya mag-express ng emotions even tho walang words--his facial expressions >>>
• Tungkol 'to sa isang top student at worst student na ginawa'n ng documentary no'ng summer high school pa sila, and nagkadevelopan sila. Naging sila no'ng last shoot then nagtagal ang rs nila, if I'm not mistaken naging sila mga 5 years ta's nagbreak.
• Since mapaglaro ang destiny ay nagkita ulit ang mag-ex lovers unexpectedly (work-related). Binigyan ako ng idea ni Choi Ung kung anong gagawin ko kapag nakita ko ulit ex ko HAHAHAHA chz, gusto ko kasi 'yong ginawa niya. For me, hindi 'yon harsh walang-wala pa 'yon sa sakit na nakuha niya. Deserve 'yon ni Yeon Su bc mapride siya, medyo magkalevel kami ng pride kaya hindi ko rin siya magawang i-hate lol.
• Ji Ung said "Choi Ung is the kind of person who isn't afraid to be in pain if he can make others suffer," ako 'to last year kaya nakarelate ako sa line na 'to at idc kung pareho kaming nasaktan basta hindi ako magsosorry sa ginawa ko hahaha sinasadya ko 'yon.
'Yong sinabi naman ni Choi "Attack is the secret of defense", gaguu ginawa ko rin 'to last year HAHAHAHAHAHA kaya proud na proud ako kay Choi Ung napakastrong.
For me lang ha, unique mag-isip 'tong si Choi Ung natuwa ako sa sinabi niyang "I'm buying time for them so we can have a calm conversation". Imagine lagi niyang tinatakbuhan kapag nag-aaway or may prob sila kasi para mabawasan 'yong emotions at makapag-usap sila nang maayos, very clever huh.
• May pagka Yeon Su nga ang behavior ko kaya sobrang sakit no'ng pinaliwanag ni Choi Ung 'yong nararamdaman niya tuwing sinasabi ni Yeon Su na ok lang siya gan'to ganiyan kahit hindi naman, na walang magawa si Choi Ung kundi tanggapin kasi feeling niya wala naman siyang magagawa, and it hit me hard na nagkaroon ako ng reflection sa sarili ko (tama na po masakit na hahaha ems). Maraming nagsabi na boring daw 'to, but I think kaya lang nila nasasabi 'yon is hindi lang sila relate. Although slow paced 'to, nakuha ako. Maganda ang drama na 'to lalo na kung heartbroken ka ta's ito pinapanood mo ay nako ilang beses ka magrerelapse kasi gano'n ito karelatable.
• I like that Ji-Ung and NJ had a POV.
• Ji Ung and Choi Ung friendship >>>
• Choi Ung didn't draw people even his parents, but Yeon Su was the only exception <33
• Parang medyo rushed ang ending, anong itsura na ng drawing ni Choi Ung? Kumusta na si grandma? Bakit nakahiwalay sa series 'yong ginawang documentary tinatamad tuloy ako panoorin 'yon hmp.
• Being abandon is scary, but I really like that Choi Ung confronted it in the end.
• Gumagana ba ang s2 sa kdrama? gusto ko sequel ta's about kay Ji Ung naman (meron ba?), interested po ako sa kaniya dahil siya ang aking fav character sa series na 'to.
• I really believe in second chances kaya binibigyan ko ito ng solid 10/10!!
dito ko nakita sarili ko kay choi ung, kahit na sobra akong masasaktan basta mapahirapan ko lang gusto kong magantihan ay gagawin ko. kung iniwan mo ko, iiwan din kita gano'n. childish pakinggan pero ayoko no'ng nagmumukha akong talo sa opponent ko. T^T
sarap mag-reminisce diba? tapos babalikan mo puro masasaya lang. high school love is one of the most unforgettable and happiest feelings you will ever feel <33
Smart ass.
REWATCHED 081324 - 082024 | Our Beloved Summer (2021)
• South Korea | 16 eps
• it has approx 1 hr duration each
★ Starring Choi Woo Shik and Kim Da Mi
• enemies to lovers, rekindled flame, second chances, first love
• para sa mga mahal pa ex nila d'yan or hanap ay heartache, hala siya panoorin niyo 'to. others may find this series boring dahil slow-paced and slice-of-life siya. most of the kdrama watchers kasi ang hanap ay puro kilig & may iba naman na ayaw lang talaga nila ng madramang plot, but this series always has a special place in my heart kasi lahat ng trope na gusto ko ay narito. this is top 2 on my kdramas list, dati talaga siyang one pero sumapaw ang ✨🍉 hshahaha
• ito 'yung series na hindi ko pwede panoorin na may kasama hehe. i thought matatapos ko agad 'to sa second time na panonoorin ko siya, pero hindi dahil naging one week pa nga unlike nung una na 6 days. naexcite pa ko magrewatch nito kaya hindi tugma sa date kung kailan ko siya nasimulan nung una. i don't do rewatch, but this one is an exception. sabi ko kasi sa sarili ko na panonoorin ko na 'to every year na parang magiging routine ko na siya kada-august to reflect, to observe my feelings kung may nagbago na ba sa'kin, or naapply ko na 'yung mga learnings dito irl. 2nd time ko na siya napanood, and still, sobrang sakit pa rin. while typing this review iniisip ko na parang gusto ko umiyak para mahanap ko 'yung tamang word na sasabihin ko lol.
• it's a story about kay yeon su (top student), and choi ung (worst student) that they were filmed for a documentary back then when they were in high school, it was done in summer.
• even tho hindi sila pareho ng iq level pagdating sa acads, naging rival sila sa library since si choi ung ay mahilig magbasa ng libro kaya siya ang laging no. 1 reader at no. 2 lang si yeon su. she thought na hindi naman naiintindihan ni choi ung binabasa nito kaya gusto niya kunin 'yung book dito, pero pareho kaming naamaze ni yeon su nung biglang nagtalk si choi ung about sa content ng book huhu luv that scene.
• may mga scenes na hindi ko na iniiyakan (pero umiyak agad ako ep 2 pa lang grr) at may scenes talaga tayo na we can't remember the first time we watch it kaya rewatch is the best!
• marinig ko pa lang ost nito feeling ko iiyak na ko, siguro kahit marinig ko 'to sa daan mapaparelapse ako bigla (relate na relate ang anteh n'yo). every time na maririnig ko op song nila, ang nostalgic sa feeling. i really love their ost playlist esp "drawer," & "christmas tree"!!
• i like choi ung hairstyle, love his visual foreveeer <33
• when it comes to relationship, tumitibay talaga siya kapag sobrang kilala mo na partner mo. alam mo na kasi kung paano gumagana emotions nila, & nagiging ganito kaattentive ang isang tao sa taong mahal nila kasi akala nila sa kanila lang umiikot ang mundo kaya kapag naiwan, parang may sarili kang oras kasi tumigil 'yung sa'yo kahit tuloy-tuloy pa rin naman ang takbo nito. as we can see, nahirapan makabangon si choi ung bc hindi niya alam ang reason ni yeon su. also, naghirap din si yeon su nung nakipagbreak siya, ang hirap din nung sa part niya kasi tama lang naman ginawa niya. hindi dapat tayo nagiging burden sa partner natin, tsaka hindi sapat sa rs na love lang kasi dapat afford mo, may financial ka kahit papaano. i think nahiya rin si yeon su and nacompare niya status niya kay choi ung :(( sobrang strong nila both kaya wala akong masisi.
• on the other hand, kahit ano pang reason siguro hindi pa rin tama na makipag break ka kaagad sa partner mo without them knowing the reason why you do this. but all thanks pa rin kay yeon su kasi hindi rin siguro mararating ni choi ung 'yung success niya sa art kung hindi siya iniwan para maging strong and independent man.
• this time mas naappreciate ko character ni yeon su na kaya pala she's acting nonchalant palagi & nag aact cool, kasi ayaw niyang madiscover na she have inferiority complex. hindi niya afford makipagfriends tsaka she care too much.
• mas naiiyak ako sa pov nila kaysa sa nangyari sa kanila
• non toxic love triangle >>>
• "attack is the secret defense" magawa nga ems hahahha pero true ito kasi maccaught off guard sila sa'yo.
• main takeaway ko rito ay sabihin mo yung thoughts mo, magsabi ka for clarification kasi hindi naman malalaman kung hindi sasabihin. hindi manghuhula partner mo para mag aasume na alam niya na agad iniisip mo. COMMUNICATION PLUS COMPREHENSION.
• 'yung scene sa ep 10 na nahuli ni kim ji ung 'yung dalawa na magkasama sa studio kaya pinauwi na ni choi ung si yeon su ta's paglabas binuksan niya lahat ng ilaw huhu i'm melting, apaka green flaaaaag! gusto ko rin gawin 'yon hays hahahhahaa when?
• "It was my pride that told me that I could live without you." (yeon su) as a mapride na tao, so me HHAHAHAHAHA
• pinapaiyak me lalo ng music T_____T
• kaya mahal na mahal ko tong series na to, this is something that i can relate to
• feeling ko naging mas close ko mga characters
• "ang pagpili ko sa'yo ay ang pagpili ko sa sarili ko" gano'n yung atakeee kahit gaano ka pa nasaktan but in the end pipiliin mo pa rin sumaya.
• hindi acad achiever si choi ung pero matalino sya sa emotions.
• one of my fav scenes 'yung sa library na sinabi ni choi ung na, "It's okay to say that [sorry] to me. I'll keep coming back to you. All you have to do is apologize. I'm the one who gives in in the end anyway." And fav ko rin 'yung sa ep 14 na sinusundan ni choi ung si yeon su kasi ayaw raw nito noon magpasundo pero nung nalaman niyang gusto rin pala is pinalingon niya ito sa likod (magkacall sila that time), and there was him na sinusundan siya silently, aaargh my heart! 😭💖
• sana mahanap na ni ji ung ang piece, gusto ko na mahanap niya ang someone na para sa kaniya.
• the way na kinomfort pa rin ni ung si yeon su despite na need niya rin no'n, that's love!
• nakatutulong din 'yung mga tao sa paligid mo para hindi ka magkaexistential crisis, mapunta ka sa tamang path or sa mga sure kang gusto mong gawin.
• nacurious tuloy ako kung saan nakuha ni ung manager niya, walang bg/kwento kahit kaunti.
• wala pa ring eng sub documentary at movie nito kaya hindi ko pa rin mapanood :((
• for the nth time, kahit na pinapaiyak ako nito, this is always my comfort drama. solid 10/10!