Start Date: March 24, 2024
Finish Date: March 27, 2024
• South Korea | 16 eps
• it has approx 1 hr & 10 min runtime each
★ Starring Ryeoun, Choi Hyun Wook, Seol In Ah, and Shin Eun Soo
• ang goal ko kasi this holy week ay umiwas muna sa bl hahaha feeling mabait. then naalala ko 'to kasi dalawang beses na siya nareco sa'kin, thank you so much, engrs! matagal ko 'tong binigyan pansin, hindi man halata bc marami na me napanood pero meron talaga kong short attention span lalo na kapag 1 hr runtime ng isang ep kaya pasensha na kung ngayon ko lang natapos ;p
• slow paced pero kada tapos ng isang ep matetempt ka manood ng next ep kaagad kasi may pasuspense sa dulo na you will crave for more, tagged as bromance din, & may romance here pero nakafocus 'yung story sa father and son relationship
• sobrang homely ng vibes nito sa'kin. altho time travel siya, ngayon pa lang me nakaencounter ng ganitong plot. after magkaroon ng argument ni eun gyeol sa father niya, napunta siya sa 1995 at nameet niya ang kaniyang 18-year-old father na si ha yi chan, & do'n niya na nalaman lahat tungkol sa history ng kaniyang parents at connection niya kay eun yu.
• madami akong fav scenes pero nalimutan ko iba itake note kaya ito lang naaalala ko: 1) nung umupo ang bata at teenager eun gyeol sa front music store habang nakikinig sa 'tears in heaven' na nakaplay sa store, 2) kinantahan ni yi chan si chung ah using sign language, 3) moments together ni eun gyeol at mr. vida together, 4) 'yung time na sinave ni eun gyeol si chung ah sa pang-aapi, 5) father and son played music on stage.
• true naman na mahilig mga babae sa lalaking nasa banda. nakuha me ni eun gyeol sa pagiging gitarista niya pero sobrang hinangaan ko siya nung biglang kumanta. gurl, i really admire men who sing well. also, nagulat me sa visual ni eun gyeol nung nag uniform siyaaa <333
• but hindi ko rin inexpect na makukuha rin ako ni hyun yul (bassist), mahilig talaga me sa bad boy na nagiging good boy.
• luv et na binigyan ng background mga characters here kaya mas lalo ko naintindihan
• naiiyak ako sa ganito e, parent love, son love, romance love--lahat yata ng kinds of love iniiyakan ko??? hindi ko malilimutan 'yung sinabayan ko 'yung iyak ng batang eun gyeol nung nakita ko 'yung word na mourning sa front ng music store, basta kapag sobra-sobra na 'yung iyak ni eun gyeol nahihirapan ako huminga kasi hindi ko kayang hindi umiyak. tapos ko na 'to panoorin kahapon pa e, pero hindi ko pa rin mapigilan umiyak ta's nakaplay pa 'tears in heaven' sa playlist ko habang nirereview 'to nakakainis feeling ko tuloy ang oa ko.
• kung lahat siguro ng tao may ganitong klaseng family tulad ng kina eun gyeol, wala sigurong broken family ang nag eexist
• cute talaga pov ng mga boys, mas dama ko talaga sa kanila 'yung pagiging natural. alam mo 'yon parang madaling maging tao kapag lalaki ka tamang palit lang ng gurl kapag nagsawa ka na---charot HAHAHAHAHA i mean, men also have a pure heart, mostly sa kanila hindi ginagawang complicated mga bagay-bagay unlike girls na mapapa "women" ka talaga sa sobrang hirap intindihin. yi chan best boy!
• as someone who sees pleasure in pain, thanks for bawling my eyes out. legit this time na may sumasapaw na sa 'our beloved summer' ko kasi this has become my top 1 fav kdrama of all! (feeling ko sinabi ko na 'to)
• i love its soundtracks, acting (pagiging oa at overprotective ni eun gyeol kay yi chan), love ko rin tshirt ng watermelon sugar bibili me no'n!
• even tho i found myself dumbfounded dahil nagandahan sa napanood, may napansin pa rin akong plot holes. walang pasilip sa nangyari sa fam ni eun yu after niya makabalik sa 2023, nasaan na mother ni chung ah? diba ang sabi matagal bago bumalik si se gyeong galing US, sino 'yung nakita ni eun yu before siya umalis?
• even with that, i still give it a 10/10!! HIGHLY RECOMMENDED! viva la vida, my sugar.