Gusto ko lang i-divide mga pinanood ko kasi masyadong marami kung isahan diba? Itong 1-50 ay panahong newbie pa lang ako sa bl world at halos napanood ko sila ng almost 2 yrs, ig. Dati kasi ay hindi naman ako gano'n ka-active manood since that time ay may humahati pa sa oras ko, na-taken ang anteh niyo hahaha. Tipong tumatakas pa ko (hindi nag-oonline, kunwari kakain pero manonood pala hehe) tuwing Sunday para manood ng 'The Gifted/TGG' (non-bl) hindi pa bl 'yan pero hirap na ko isingit sa oras ko. Ofc, tumatakas din ako or nakikipag-away para hindi makipag-usap para makanood lang ng bl tuwing Friday HAHAHAHAHAHAHHA! dakilang takasera talaga ko para lang makanood (when kaya ulit? lol eme)
Kaya kung mapapansin niyo ay walang kwenta at maiksi lang ang mga nilagay ko abt that film kasi ang goal ko nga lang ay mai-list lahat ng napanood ko, kaya hindi po iyan sunod-sunod hane lalo na iyang 2gether series sa movie ta's Bad Romance sa Together with me, gusto ko lang sila pagsunod sunurin para hindi na kayo malilito kung ano ba ang tamang sequence ng kwento hehe.