• Thailand | 13 eps
• series with 44 mins each
• FINALLY, NAPANOOD KO NA! This is not your typical bl. Nasa priority list ko 'to since maraming nagsabi na maganda (ngayon ko lang nabigyan ng chance panoorin dahil no'ng time na naere ito ay hiatus era ko sa bl), and this is so gooood. Mahihilo at malilito ka sa mga happenings na kung ako mismo ang lalagay sa situation ng bida ay hindi ko na alam ang gagawin.
• there was an accident here, and 'yong time na 'yon ay shift ni Dr. Tin when Tol was rushed to the hospital. Tin couldn't save him, there was a whirlpool where that scenario would happen again and again with the goal of him being able to revive Tol, but he keeps dying in the 22:55 loop no matter what Tin does. Hindi makakaalis sa loop na 'yon si Tin hangga't hindi niya nabubuhay si Tol, good thing he had a chance to fix everything nang paulit-ulit.
• nakaka-nose bleed 'yong mga medical terms, nakakapagod magbasa kasi hindi ko naman kaya intindihin :<
• patagal nang patagal mas interesting 'yong flow ng story. maganda 'yong twist, and hindi ako na-inform na maiiyak pala me rito
• diba nasaksak si Tin sa hospital ta's na-confine siya ta's nag-usap sila ni Jinta (chief justice of the court of heaven) at dinalaw siya ni Tol, and pagpasok niya nakita niya si Jinta, bakit/paano niya nakita? i thought si Tin lang nakakakita sa kaniya??
• thumbs up sa mga screenwriters nito ang galing niyooo, pinagod ako mag-isip hindi ko napredict 'yong next na mangyayari sa kwento
• since i didn't find him attractive in "The Miracle of Teddy Bear", gusto ko ang visual dito ni "Tee" Thanapon, ang linis tignan kaya nakakagwapo. Mas bagay pala siya sa pagiging suplado more bl proj pa sana for him na may ganitong attitude HSHAHSHAHAHA
• saglit lang screentime ng Tan & Dr. Bun (MaxTul), sila 'yong main leads sa "Manner of Death", it won't affect the story here if you don't watch it pero i recommend na i-watch din 'yon kasi worth it naman bigyan ng chance^^
• Overall, ganda intro, production, cast/acting, visuals, chemistry, & plot. Ako yata aatakihin sa puso dahil sa mga happenings. A lil bit confusing kasi kailangan mo talaga paganahin brain cells mo para magrasp 'yong story. I would rate it a solid 10/10! Pasok 'to sa top 5 bl series ko kaya if hindi mo pa 'to napanood, ito na ang sign para panoorin. Go, give it a shot!