Finish Date: April 10, 2024
• Philippines | movie
• it has 1 hr & 52 min duration
★ Starring Dante Rivero, Cedrick Juan, and Enchong Dee
• mula no'ng pinalabas trailer nito last year ay nasa priority list ko na 'to para panoorin dahil mahilig nga ako sa filo historical film/drama. muntik na nga ko amagin kahihintay. finallyyyyy, worth the wait naman. panoorin n'yo 'to para malaman n'yong hindi MaJoHa ang tawag sa tatlong paring martyr.
• nagsimula 'yung kwento kay Apolinario de la Cruz (Hermano Pule) religious leader at tinaguriang hari ng tagalog. siya ay nagnanais na maging prayle pero hindi napayagan dahil isa siyang indio kaya nagtatag siya ng samahan called Cofradia de San Jose. since matibay ang paniniwala nila sa kanilang amulet ay nakipaglaban sila at doon nadedz si pule.
• sinasabi ng mga fraile na si Fr. Pedro Pelaez ay katulad din ni Hermano Pule. kahit na may dugong espanyol si Fr. Pelaez ay minamaliit pa rin siya ng mga kastila dahil siya ay pinanganak sa Pilipinas.
so, si padre Pelaez ay guro ni Burgos. sa panahon na 'yon, ang mga fraile ay gustong angkinin/agawin ang mga parokya sa mga secular priests tulad nina padre Pelaez at padre Gomez. sa kasamaang palad nagkaroon ng lindol at namataii ro'n si Fr. Pelaez, parang nawalan ng haligi ang mga pilipino sa pangyayaring 'yon.
• after that, nagpatuloy ang mga tao esp si Burgos na dakilang padre na. siya rin ay guro at malapit siya sa kaniyang dalawang mahusay na estudyanteng sina Felipe Buencamino na isang aktibista, at Paciano Mercado na kuya ni Rizal.
• familiar ako sa mga names ng mga governor-general pero ngayon ko lang lubusang nakilala 'yung dalawang gov-gen. no'ng dumating si gobernador heneral Carlos Maria de la Torre ay pinahina niya ang kapangyarihan ng mga kastila laban sa mga indio dahil siya ay isang liberal na gobernador. nag-init ulo ko nung nag-usap sina Fr. Burgos at gov general ta's ang sabi ni de la torre "know your place" kasi padre crossed the line daw fc gano'n. aba nakakainit ng ulo hindi ba? like general hibang ka ba? hindi mo ba naririnig sarili mo? tanga ka, tanga kayo, ang lakas magsabi ng know your place eh in the first place nakikisiksik lang kayo sa bansa namin. kayo ang lumugar, lugar namin 'to Pilipinas 'to hindi spain leche ka. mga inggit sa lupa!😾
saglit lang si de la torre sa pwesto dahil pinalitan agad siya ni izquierdo de punyeta este gob hen Rafael Izquierdo at muling sinakal ang Pinas. pinawalang bisa niya lahat ng policies ng dating heneral. liberal na gov pinalitan ng diktador real quick ./.
• kay Izquierdo naganap 'yung cavite mutiny at napagbintangan ang tatlong pari. alam mo 'yon, dumalaw lang si Fr. Burgos sa bahay ni Fr. Zamora ta's tyempo na pinaghahanap si Burgos ta's naisama na sa pag-aresto si Zamora T___T nakakapunyeta talaga
• nilitis litisan ang tatlong pari. ang bintang kay Padre Zamora ay about sa sulat niya nung nagsugal sila na may term doon na bullets and gunpowder in spanish yata nakasulat na ang ibig lang naman sabihin ay money for gambling, sulat niya 'yon sa friend niyang friar (ows duda akong prend)
kay Fr. Gomez naman ay may nakitang abandoned box (na may lamang ammunition at riffles) sa bahay niya na may proof daw na involved sa conspiracy si Gomez sa namataii na si Fr. Pelaez.
and si Fr. Burgos naman na napagbintangan na leader nung palpak na rebolusyon ng mga indio at ang lakas pa talaga mag witness ni Francisco Zaldua na tinuro na si Fr. Burgos daw ang lider eh sa katangahan niya nga pumalya plano. bobo kang tunay, zaldua! huwag ka lalabas sa kahit anong exam ko ha. engot ka na nga sumunod sa instruction, nandamay ka pa talagang hijo de puta ka🖕
• justice of spain sucks. walang formal accusations at walang matibay na evidence. Feb 17, 1872 ginarote ang tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, & Jacinto Zamora sa kadahilanang kontra sa gobyerno. iyak ako nang iyak do'n sa scene na ginagarote na sila, ang sakit tingnan tapos nakakagoosebumps pa bg music. nagarote rin pala si zaldua, deserve so much.
• nagulat ako kasi may mabubuti rin palang mga prayleng epanyol at totoo 'yung sinambit ng isa sa prayle na magagalit daw sa kanila ang history at hindi kay izquierdo. sobrang totoo niya kasi gg ako sa mga fraile lalo na nung napanood ko mci, hindi ko pa nga alam na pwede na palitan ni izquierdo si satan sa baba e.
• sa scene na hinuli si teodora alonso sa salang murder, doon ko pa na-realize na nanay ni paciano 'yon at kapatid niya si rizal. unang pasok kasi sa isip ko pagkabanggit ni burgos sa name ni paciano ay "mercado? kaapelyido ni rizal?" it turns out na kapatid pala. alam ko naman lahat ng pangalan ng Rizal family pero doon ko lang siya nakilala, ang bobita ko rin hano 😭
• awang awa ako kay Fr. Zamora na nadamay, walang kaalam alam tapos nasiraan pa ng bait :((
• gusto ko 'yung scene na hindi pumayag ang archbishop sa kagustuhan ng gov gen. kaya isa rin sa nakapagpaiyak sa'kin sa garote scene ay 'yung kwento kung bakit nakasuot sila ng cassocks sa araw ng execution dahil mamamataii daw silang pari pa rin.
• nasaksihan ng batang rizal ang execution. kinwento ng kuya niya sa kaniya ang iba pang pangyayari kaya inialay ni rizal ang el fili sa tatlong pari.
• sino pala ang lalaking indio na 'yon simula pa lang ng film kapansin pansin na siya hanggang dulo, sino ba ang lalaking indio na 'yon?
• lahat ng nangyayari ay may dahilan kaya saludo ako sa mga matatapang na pilipino noon na nagtiis at lumaban dahil hindi natin makakamtan ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon kung hindi dahil sa kanilang sakripisyo 🙇♀️🙇♀️🙇♀️
• bwct kasi si zaldua at izquierdo, mga hijo de la gran puta pedazo de mierda.
• i love the acting and visuals lalo na si cedrick at papa p na ang popogi lalo na kapag nagagalit in spanish hehe. dito ko rin pala napansin na may parang walang pagkakaiba sa lenggwahe at tono ang filipino-spanish. about naman sa storyline ay nakakastress, historical things.
• ipipirme ko itong review ko rito sa site at huwag nang ilagay sa fb dahil sobrang daming bad words dito nakakainis kasi hahaha
• bakit kapag jose ang name matik ang nickname ay pepe? tulad nina Jose Burgos, Jose Rizal at Jose Diokno na same same, na-curious ako bigla.
• this film is a masterpiece and one of the ways to remember our history, viva los Filipinos. a 10/10 for me!
naalala ko lang 'yung kwento ng professor namin sa filipino 5, may territorial expansion daw partikular sa europe continent. spain ang isa sa pinakamahirap sa 5 kingdoms sa continent nila at rank 4 lang sila roon. iyang mga kingdoms ay paramihan ng mga na-colonize na country dahil matuturing kang mayaman kapag marami kang nasakop na bansa at isa ang pinas sa mga malas na bansa na nasakop ng espanya.
syempre sa pananakop ng mga kastila meron silang goal. 'yung lantad na hangarin ng mga espanyol kaya ang pinas ay nasakop: 1) pagpapalaganap ng katolisismo, 2) pinapakay ay matabang lupa dahil nakita nila na mayaman ang homonhon sa likas na yaman. so, dahil wala pang masyadong kaalaman ang mga pilipino, binigyan sila ng bagong katotohanan ng mga kastila in other term "inuto." lecture pala 'to eno HAHAHAHAHAHAHAHA!
sinabi pa na ang mga fraile raw ay pinatapon ng mga kastila rito sa pinas para parusahan na mukhang nag-enjoy naman sila hmp.