Finish Date: December 24, 2023
• Japan | movie
• it has 2 hr & 19 min duration
★ Starring Tsuchiya Tao and Yamazaki Kento
• Sa lahat ng nireco sa'kin ni luna, ito pinaka nagustuhan ko. What if matulad sa 'Given' na matripan ko rin panoorin anime kasi nakuha ako?
• Unang scene pa lang ang promising na nito. Wala ako masyadong nasulat sa notes ko, gano'n yata me kafocus manood.
• 'Yong tatlong cast here ay galing sa AIB, kung hindi pa sasabihin ng kapatid ko na kahawig daw 'yong babae ay hindi ko pa marerealize. Familiar pero hindi ko inassume na siya iyon since halos magkakamukha lang visuals ng mga babae ng mga old films ng japanes, diba or baka ako lang.
• I love the color grading, cinematography, casts, chemistry, ost, and super love ko 'yong mabigat na storyline. I also love their circle of friends na sobrang solid.
• Wala naman akong ineexpect sa movie na 'to kasi ayoko madisappoint, pero shet nakuha ako nito. Siguro kung hindi pa tatabi 'yong kapatid ko hindi pa ko natigil kakaiyak T____T
• Fav scene ko 'yong nanood sila ng fireworks sa pool, gusto ko 'yong mga gano'ng scene tapos papanoorin with their loved ones. Beh, pangarap ko 'yon hahahaha kaya kuhang kuha ako no'n. I love fireworks e.
• Natutuhan ko na gawin mo 'yong mga bagay na kaya at gusto mong gawin para hindi ka magkaroon ng regrets. Have confidence in yourself kasi may mga tao rin namang nagtitiwala sa'yo.
"If it gets heavy...you don't have to strain yourself to carry the whole thing." no comment hahahaha hindi ko pa rin maapply kahit paulit ulit ko na 'to naeencounter.
• May parallel world here na pinadalhan ni suwa at naho 'yong sarili nila sa past (10 yrs) para masave si kakeru sa world na 'yon. Bale sa past nabuhay si kakeru at sa future ay wala na talaga siya. Happy and sad ending??
• Gusto makita ni kakeru mother niya para makapagsorry siya kaya niya 'yon nagawa. Kaya pala kapag masaya siya biglang babaliktad kasi naiisip niya na hindi niya deserve maging masaya kaya mas pinipili niyang mapag-isa kahit alam niyang nasasaktan niya na mga nasa paligid niya.
• May gusto si suwa kay naho pero walang scene na nagconfess siya, he even supported naho and kakeru noon. So ang anak ni naho ay kay suwa sa future? At least nabigyan pa rin ng chance feelings niya 'no?
• Ang tanong, anong connect ng title? Why orange?
• Siguro kung may gagawin akong fav japanese movie, pasok 'to. I'll rate it a 9.5/10! Salamat kasi nasaktan heartu ko, loved it!
Kahit anong pilit natin na sumaya kung may pumipigil sa loob natin, hindi natin magagawang masaya kasi mas mabigat 'yong lungkot na meron tayo. Sobrang swerte mo kung may mga taong handa kang samahan sa panahong hindi mo na rin gusto ang sarili mo. Sobrang swerte ng mga taong may nananatili pa rin sa tabi nila kahit na hindi na sila maintindihan :))
PAST
FUTURE