Finish Date: December 29, 2024
• Philippines | movie
• it has 1 hr & 50 min runtime
★ Starring Joshua Garcia and Julia Barretto
• ang tagal kong nilo-look forward na panoorin 'to kasi i have this feeling na magugustuhan ko siya, and hindi ako nagkamali. sumakto pa na i got rejected officially (wow hahahahaha) kaya feel na feel ng anteh mo haha. nagkaroon pati ako ng opportuniy na mapanood siya on netflix, nasa bahay me ng relatives tapos nakikinood sa likod 'yung mga pinsan ko kaya hindi ako makaiyak.
• paubaya by moira ost nito, pero parang swak 'yung mga songs ng silent sanctuary dito esp "di na kita mahal" :))
• starting over again, & the hows of us ang atake ng film na 'to, and nakakainis lang na mas dito natumbok 'yung reason kung bakit naiintindihan ko 'yung mga side ng nang-iiwan at iniiwan.
• kahit ano pang reason, 'yung feeling na ang hirap pulutin ng sarili mo after mo maiwan---sobrang bigat na hindi mo alam kung paano ulit magsisimula at hindi mo na alam kung paano sasaya.
when juancho said, "hindi ko na alam kung saan ako nasasaktan." & "'yung lumulubog ako iniwanan mo ko"
zy replied, "napagod ako sa kabubuhat sa'yo. i hated loving you so much. i needed you to man up. bakit ako napagod sa taong mahal ko, bakit hindi ko kinaya?"
for someone who experienced a kind of situation, sobrang bigat. naiinis ako kasi hindi man lang tinulungan ni juancho ang sarili niya kaya kung walang mang-iiwan ay dalawa silang malulunod.
• despite sa lahat ng nangyari, ito 'yung kind of love that you will always grateful for. kahit papaano ipagpapasalamat mo siya kasi alam mo na minahal n'yo talaga isa't isa, masakit man pero totoo nga na love alone isn't enough, at kahit ibalik pa ang oras ay mas pipiliin mo pa rin siyang mahalin nang paulit-ulit kahit gaano kasakit. ito 'yung tipo ng pagmamahal na magtuturo sa'yo kung paano magmature, masakit pero nireready ka nito for your next love para alam mo na sa susunod, iniwan ka ng taong mahal mo dahil tinulak ka nito papunta sa tamang tao---ang magiging deserving sa new version mo.
• minsan kasi dumadating sa point na hindi na natin kayang tulungan 'yung sarili natin to the point na may nahihila na tayo pababa. napagod silang intindihin tayo, bagay na hindi rin nila talaga nila maintindihan kung ano na nangyayari sa'tin kasi hindi tayo mismo sa sarili natin ay hindi rin alam. lecheng pag-ibig.
• tanong na pumapasok lagi sa isip ko, na hanggang saan, hanggang kailan, kailan matatapos sa cycle na ganito? minsan nakakapagod din magtanong ng kayo ba talaga?
• "ayaw mo maiwan, pero iniwan mo sarili mo para sa ibang tao," made me realize something.
• i think fave scene ko 'yung pumasok si zy sa loob ng airport ta's si juancho nakasunod lang sa kaniya hanggang sa bintana then nagfaflashback 'yung past na hinatid niya rin noon si zy na sila pa. this line of zy, "thank you sa paghatid" hinatid lang naman sa airport pero hinatid na rin ni juancho palayo sa kaniya. mahirap tanggapin, pero isa 'yon sa mga steps para makausad.
• isa sa mga main lessons, hindi magandang ideya ang gumanti sa nakaraan, naglalaro ka ng apoy na hindi mo alam kung kailan kakalat para sirain ka. huwag ka rin papatol sa tao na hindi nagkaroon ng maayos na hiwalayan sa past niya, 'yung mga taong mahal pa ex nila.
• ito na 'yung mahirap kasi hindi mo alam kung paano mo siya papakawalan. dito na papasok 'yung importance ng "baby steps," kung hindi mo talaga kaya meron namang fetus steps since hindi naman 'to paunahan makausad, slow progress is still a progress.
• expected ko na ending, pero luv et kasi gano'n 'yung gusto kong ending.
sorry kung umabot tayo sa point na 'to. hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na mawala ka, kasi ikaw 'yung gusto kong makuha noon. nakuha ko na 'yung gusto, pero sinayang ko. mahal na mahal kita, pero hanggang dito na lang siguro. sabi mo sa'kin may chance pa, pero kapag may stable na work ka na. alam ko na 'yun e, napanood ko na sa mga pelikula at serye, alam ko na ang ending.
dyk na natatawa pa rin ako sa "di pa ko ready haha," tinype ko pa lang natawa na naman ako, hindi ko kasi ineexpect na magsasabi ka ng ganiyan hahahahaha siguro ang inaasahan ko kasi ay may iba ka na, pero wala naman.
masaya ako kasi nakamove on ka na, hindi ka na malulungkot pa. masaya ako na pinili mong maging masaya. masaya pa rin ako kasi napagbigyan pa rin ako. masaya pa rin ako kasi masasabi ko pa rin na naging akin ka.
hindi mo naman kasalanan na iniwan mo ko, deserve ko naman 'yon kasi kahit ako hindi ko na rin maintindihan sarili ko no'n. hayaan mo lang akong mahalin ka hanggang sa mapagod ako, promise magiging okay rin ako.
palagi kitang pinipili, pero time na siguro para piliin 'yung sarili ko. i love you forever. ingat ka palagi, bebe. ayaw mo ng true love kasi greatest love pala ang nais mo sus.