Finish Date: April 01, 2024
• Philippines | movie
• it has 2 hr & 10 min duration
★ Starring Piolo Pascual and Toni Gonzaga
• hindi naman december, pero binibigyan akong pain? i loved it btw. from reco, tenks!
• medyo nakalimutan ko na kasi feelings ko rito dahil apr 1 ko pa 'to napanood (anong petsa na beh?) at ngayon ko lang nabigyang oras i-review. tipong naka-play pa sa playlist ko ang 'starting over again' para maalala ko feelings ko lol ang dramatic diba? mabilis lang pati ako mag-move on sa mga pinapanood ko (wow sana in real life din) dahil naghahanap akong bagong panonoorin for rebound kasi sobra akong sinaktan, pero never gagawin irl kasi bad iyon hehe.
• familiar lang ako sa film na 'to pero ngayon ko lang talaga siya napanood, and masasabi kong sobra akong sinaktan nito. ang tagal-tagal ko na napanood 'to, but while typing this feeling ko iiyak na naman ako hahaha what a cry adult lol.
• based sa title, i thought ex couple na magbabalikan but as the film goes by ayoko na sila magkabalikan ulit. this story is about ginny and marco na sa una magiging against ako sa set up nilang teacher x student, pero all goods din naman kasi hinintay niyang makagraduate si ginny before they become legal. ang ganda ng love story nila, so pure and full of happiness not until nakita ni ginny ang papa niya kay marco.
• gusto ko 'yung laterletter sinearch ko pa 'yon nagbabakasakaling true hahaha kasi ang ganda ng concept na 'yon for me as a mahilig sa letter.
• ang realistic lang for me ng mga pangyayari at super satisfied ako sa ending, doon ko lang na-gets why the title is like that.
• sa sobrang break down ko nung after ko mapanood 'to, hindi ako ginanahan mag film review hahahaha i bawled my eyes out esp sa part na nalalaman ko na bakit sila naghiwalay kahit na sobrang mahal nila isa't isa T____T
• kahit na nakagawa siya ng kasalanan with his ex, tama 'yung desisyon na pinili ni marco. his gf gave her a new hope, she's like a rainbow after the rain <33
• tanggapin natin na may mga taong dadaan lang talaga sa buhay natin para magbigay ng lesson, na nakatadhana talaga kayong mag-grow separately. normal lang malungkot, pagdusahan, pagsisihan, manghinayang at panghinaan ng loob, pero sana after that babangon tayo, bubuhayin at ihahanda 'yung ating sarili sa panibagong pahina kung saan matatagpuan natin 'yung pangalawang pag-ibig na pupuno at magpaparealize sa'tin na masarap magmahal.
• i love the acting/casts, chemistry, storyline esp the ending, script, & visual ni piolo, oo kaniya lang hehe jojowain so much!
• 9.5/10 for this tearjerker film for me.