Finish Date: July 05, 2024
• Philippines | movie
• it has 1 hr & 39 min duration
★ Starring Gold Aceron
• nabasa ko na agad na about 'to sa intersex kaya nagrasp ko agad 'yung sinisymbolize ng "puno ng mangga na namunga ng atis"
• not safe on big screen tho
• this is not bl, it's a story about kay adam na isang lalaki na nagkaroon ng menstruation. hindi ko siya gaano madetail kasi i'm not knowledgeable enough pa sa ganito, and hoping na mas marami pang maproduce na ganitong type ng film sa filo para mas lalong maintindihan. ang intriguing dahil may mga ganito pala talagang nag-eexist like mapapatanong na lang ako na, kung ang nilikha ni Lord ay babae at lalaki lang, ano ang mga intersex people?
• just like sa marahuyo, ganito 'yung tipo ko ng location (nature), cinematography, and color. ang ganda rin ng poster nito na kinuha siya sa ending.
• nakakaproud 'yung suot na damit ni adam sa prom, naiyak ako ro'n!
• sobrang naappreciate ko 'to dahil may english subtitles siya
• naalala ko na naman prof namin sa fil 5 dahil sa sinabi ni angel tungkol sa tattoo niya sa d*de pero mas gusto ko 'yong explanation kung bakit doon nilagay 'yung tattoo. simbolo daw 'yon ng fertility ng babae, ang gatas na nilalabas ay kayang bumuhay ng sanggol. katulad din siya ng sinabi ng sir sa amin, & he even said na wala raw kahit anong formula milk ang papantay sa gatas ng isang babae.
• isa pa sa mga nagustuhan ko rito is wala silang sine-censor na words which is good na dapat nating i-normalize kasi ayon naman talaga tawag sa kanila. nagiging malaswa kasi sa pandinig or pagkabasa natin sa mga genitals in tagalog dahil hindi tayo sinasanay sa mga tagalog words na 'yon kaya akala natin ay bast/os.
• a masterpiece indeed, 9.5/10!