Finish Date: January 22, 2025
• Philippines | movie
• it has 1 hr & 38 min runtime
★ Starring Empoy Marquez and Alessandra De Rossi
• naghahanap lang ako nang panonoorin, then nakita ko 'to. first impression ko, ganda ng vibes, calm na masakit parang "kita kita" ang atake which is ayun nga. humor talaga ni empoy ang standard ko sa mga lalake
• gusto ko 'yung pov ng bawat isa, esp sa guy since mas interested nga ako sa pov nila ta's dumagdag pa 'yung twist sa situation ni joseph. masaklap lang na buhay pa siya, pero pata/y ka na sa alaala niya.
• dito pala 'yung line na tatlong tao lang daw mamahalin mo sa buong buhay mo?
• fave part ko here, 'yung bumili sila ng lp record then nagkantahan sila sabay pasok ng 'walang kapalit' instrumental, bigla ka na lang mapapatanong na gano'n ba talaga magmahal? kaya mo bang magmahal ng isang tao na walang hinihintay na kapalit?
61:58 "kung ano man 'yung kahahantungan nating dalawa, asahan mo nandito lang ako naghihintay sa'yo ng walang kapalit."
• i just found out na 'yung ganitong type ng relationship ay ang saya, pero bakit complicated? bakit umaabot sa point na nagiging complicated 'yung ganito? masaya naman kayo, pero parang laging may kulang? bakit pa kayo pinagtagpo, hindi pa ba siya 'yon? hindi pa ba siya 'yung hinahanap mo?
• "kapag mahal mo, hahabulin mo, ipaglalaban mo, it's the same."
"ilang beses man tayo magpaalam. ilang beses man tayo magkumustahan. umaasa ako na balang araw, pagbigyan tayong muli ng tadhana."
😭
• tuwing papasok 'yung bg music na 'walang kapalit' sa scene, parang gusto ko mag reminisce haha
• pagkakita ko sa ending sasabihin ko sana na "sa pelikula lang nangyayari 'yung mga ganito," tapos nagflash sa screen inspired by a true story daw. wow! love is so unbelievable.
• 9.5/10! atik laham, atik nikapas <33