Start Date: June 12, 2024
Finish Date: June 16, 2024
• South Korea | 12 eps
• it has approx 1 hr & 10 min duration each
★ Starring Lee Young Ae, Kim Hye Joon, Kwak Sun Young, Baek Sung Chul, Jo Hyun Chul, and Kim Hae Sook
• wala talaga 'to sa sched list ko since it's from reco, and binalak ko gawin dito is panoorin siya every day na tag 2 eps lang dahil alam ko na sumasakit ulo ko sa mga mystery. nagawa ko lang yata siya ng 2 days ta's tinuloy tuloy ko na ulit panonood para matapos at makamove on na me agad hahahaha kastress ng slight, beh.
• so 'yung kwento nito is about kay investigator koo na nagsosolve ng mga murder case. si ms. koo is 'yung tipo ng tao na chill pero palaging accurate 'yung naoobserve niya, master sa pag-iisip na mahilig sa alcohol, and "something's fishy" pala fav line niya. i think nag quit si ms. koo as a cop dahil sa deceased husband niya, then one time, nanghingi ng help 'yung past colleague niya para i-solve 'yung isang case at palabasin na su!cid3 but ms. koo found something's fishy hanggang sa na-encounter niya si yi kyung na sinabi ng deceased husband niya na halos same daw sila ng personality.
• yi kyung, an intelligent girl na ulila na sa parents at aunt na lang kasama sa buhay. definitely, she's a pyscho but she only kills the people who deserve it. also, mahilig siya sa literature such as joa and hamlet. ang ganda nung concept na kada book ng joan of arc is one murder case & 'yung compilation ng cases niya na makikita sa table sa ending ay sobrang dami na feel ko baka umabot na sa height ko 'yon lol.
• si santa babe akala ko nung una nonchalant eh muted pala, tapos hindi pala T__T something sus talaga siya una pa lang kasi super generous and obedient niya pagdating kay ms. koo, and it turns out na guilty siya sa pagkawala ng husband ni ms. koo. anyway, kung si detective nga pinatawad siya, ako pa kaya hahahahaha ;p
• uyy may mlm dito kaso hindi reciprocated, lagi niyang tinatanggap si (forgot the name, basta 'yung kasabwat ni yi kyung na guy) kahit na hindi naman nito siya gano'n pinapahalagahan.
• nastress ako sa paghahabulan nila pero can handle naman kasi dark comedy siya
• "it's absolutely miserable living with the desire to kill someone." psychopaths are lonely ones & kita naman siya sa background ni yi kyung na wala na siyang parents, nawala rin aunt niya, and wala siyang matatawag na friend. sa scene na gusto niya pang makita 'yung moment na kung saan kasama ni koo ang team niya, pero hindi na pwede pa kasi dadalhin na siya sa police station, makikita ro'n 'yung loneliness at longing sa eyes niya, napasabi na lang me ro'n na "she's lonely after all."
• open-ish ending which was expected tho, ganito naman palagi sa mystery/thriller e. finally, natapos ko rin. an 8 out of 10.