Start Date: November 05, 2023
Finish Date: January 23, 2024
• Thailand | 12 eps
• it has 49 min duration each
★ Starring Frame Ritchanon and Ryan Panya
• si frame (zee/sprite) 'yung unang tingin hindi ka maattract pero kapag nakikita mo siya madalas, habang patagal nang patagal pagwapo siya nang pagwapo gano'n!! feeling ko tuloy superb visual niya sa personal. nanotice ko rin na ang haba ng eyelashes niya, and i liked it hehe
• enemies to lovers trope
• nung una nalilito ako sa mga happenings but as the ep goes by medyo nawawalan ng connect yung ibang scene sa plot. and kung wala ka talagang full attention sa series, nakakalito yung transition lalo na sa part na nageexchange na pala sina zee at sprite, nanghuhula na lang ako ro'n based sa buhok and treatment sa volleyball team kung sino sa kambal ang gumaganap e.
• so, may kambal here zee (volleyball) & sprite (jiujitsu). nag separate parents nila nung bata pa lang sila at pinaghatian sila. si zee sa mother at si sprite kay father.
• slow paced & rushed ending :((
• iisa lang naman actor ng kambal pero mas gusto ko visual ni zee, his bangs and his vibe pero mas love ko naman si sprite pagdating sa personality niya. cutiie niya maging clingy kay first^^
• fav scene ko talaga 'yung volleyball net kiss, nakita ko na 'yon sa "HIStory2: Crossing the Line" and it still gives me butterflies!
• hindi nasabi ni zee yung reason sa dad niya dahil hindi pa raw siya ready. aba natapos na lang yung series wala na abt do'n?? nacurious pa naman ako kung anong problema niya.
• okay pa rin naman sa'kin kahit bagsak plot nito kasi naiintriga talaga ko sa part na may identical twin na nagpapanggap and hindi aware na may twin sila. nadisappoint lang me kasi gusto ko na mag-appear sila both sa mga nakakasama nila, i want to see their reaction sana kaso pinagkaitan. so, it's 7.5/10.