Nagsisimula sa malaking titik ang unang salita ng isang pangungusap na may buong pahayag. Nakababatid ang katutubong panlasa sa ganitong pinong pagkakaiba-iba, at sa epekto nito sa maasim na sabaw na lubhang kaiga-igaya kapag mainit nag panahon.
Gumagamit ng malaking titik kahit nasa gitna ng pangungusap kappa trakapaloob ang malaking titik sa isang sipi.
Inilalarawan ni Dorren Fernandez kung paano "Nakalilikha ang Pilipino sa gayong proseso ng isang buong talasalitaan ng mga lasa."
Ginagamitan ng malaking titik ang mga pangngalang pantangi, kasama na ang mga pagkakataong ginagamit ang pangngalang pantangi bilang pang-uri
Mala Balagtas ang kanyang pagtula.
Ginagamitan ng malaking titik ang pangalan ng tao.
Juan de la Cruz
Pag-ingatan ang mga apelyidong gumagamit ng "de", “de la", "dela" o "de las” Bagamat ibinabaybay sa maliliit na titik, may mga pagkakataong pinipili ng taong gumagamit ng pangalan na baybayin sa malaking titik. Sa ganitong mga pagkakataon, mainam na tanungin mismo ang tao kung paano ibinabaybay ang kanyang sariling pangalan. Mainam na ring pag-ingatan kung may opisyal na pangalang ginagamit ang tao.
Inigo Ed. Regalado
Ponciano BP. Pineda
Nagsisimula sa malaking titik ang pangalan ng mga nasyon, pook, lahi o etnisidad.
Tama: Pilipinas
Mali: Republika ng Pilipinas
Tama: Palasyo ng Malacanañ
Mali Palasyo ng Malakanyang
Islang Kalayaan
Administratibong Rehiyong Cordillera
Lungsod Tacloban
Ilog Cagayan
Bulkang Taal
Timong Silangang Asia
Kalakhang Maynila (Metro Manila)
Talong Pagsanghan
Tropikong Kanser
Bagamat pinapayagan ang paghiram nang buo sa mga wikang rehiyonal at dayuhan pagdating sa mga pangngalang pantang, maging malay kung naka-ling may kinagawian nang katawagan pagdating sa mga labi at etnisidad. Kung walang kinagawang katawagan, maaari ding gamitin ang pariralang "mula sa" upang tukuyin kung saan nagmulang lahi, etnisidad, o pook ang inilalarawan, at ang panlaping "taga-" upang tukuyin kung saan nanggaling ang tinutukoy. Kung manghihiram nang buo o gagamitin ang kinagawian, maging konsistent lamang sa paggamit
sukang Iloko
Bikol express
tubang Iloko
tubang Ilokano
kantang Canadian
kantang mula sa Canada
barong Tagalog
hamon Serrano
puto Biñan
Parmesan cheese
alak Shiraz
tsotiso de Bilbao
longganisang Vigan
bagoong Balayan
Sa kabilang banda, kodipikado na ang pagkakabaybay sa "french fries at "manila envelope."
Katanggap-tanggap ang dalawang hanay sa ibaba ng katwagan ng lahi sa Ingles at salin sa Filipino. Konsultahin ang Atlas ng mga Bans sa Mundo (2015) na inilimbang ng Komisyon ng Wikang Filipino para sa opisyal na salin ng pangalan ng mga bansa sa labas ng Pilipinas. Kinakilangan lamang magpasya ng nagsusulat kung alin sa dalawa ang gagamitin at magiging konsistent sa naging pagpili.